Chapter eighteen- Jealousy
Hindi ko man lang namalayan na byernes na pala ngayun. Ang bilis lang ng araw Mag aalas 10 na ng gabi at ngayun ko lang naisipang mag impake dahil busy ako lately e, naimbitahan kasi ako sa isang meeting at ako ang speaker so i was very busy.
They will going to fetch me later mga 3 am o'clock. At oo mamayang alas dose ay ang oras kung saan magsi simula na ang kaarawan ni Vince.
"Lotion" Iniangat ko ang lotion ko. "Check" Sabi ko saka inilagay eto sa aking maleta.
Two piece, check. Floral Dress, check. Summer dress, check. Power bank, check. Charger, check. Toothbrush, check. Etc.
Masyadong madami ang laman ng aking maleta. Narinig ko pa si Jake na isasama niya raw si Kuya. And which is okay to me. Much better pa nga iyun e. May magbabantay sa akin.
"Bunso?" Tawag ni kuya sa labas ng aking kwarto habang kumakatok. Bago ako tumayo upang pagbuksan si kuya ay inayos ko muna ang aking sarili upang ako'y presentable kapag kaharap siya.
"Kuya?" Sabi ko ng magkaharap na kaming dalawa.
Napatingin siya sa loob ng aking kwarto.
"Inimbita ka raw ni Philjay sa birthday ng pinsan niya?" Tanong ni kuya.
Tumango ako saka ngumiti.
"Sasama ka ba kuya?" Tanong ko.
Nagkibit balikat lamang siya.
"Nagkausap kami ni Jake kanina. Sabi niya, isasama niya rin daw ako" Ani kuya.
Ngumiti ako saka niyakap ang braso ni kuya.
"Sama ka nalang kuya" Sabi ko in a sweet tone of voice.
Ngumiti si kuya saka kinurot ang aking pisngi.
"Kiss mo muna si kuya" Sabi niya saka itinuro ang kanyang pisngi. Ngumisi ako saka agad siyang hinalikan.
"Yeah. Sasama ka na" Sabi ko saka siya niyakap.
Isang madilim na daanan ang aking nakita bago ko nasilayan ang magandang silaw ng araw. Marami akong pasa na tila mahirap maagapan ng kahit na anong gamot. Bakit kaya ang hirap gamutin ng mga pasang eto? Nagmamarka eto na para bang gusto na nitong tumira habang buhay sa aking katawan.
Nagulat ako ng bigla nalang akong niyugyog ni kuya
"Binabangungot ka na naman bunso" Sabi ni kuya saka ako inabutan ng isang basong tubig. Habang nakaupo ako sa aking kama ay hindi ko alam kung bakit nasabi ni kuya ang salitang bangungot. Akala ko ay totoo. Pero it was just a lucid dream lang pala? Akala ko pa naman totoo ang mga pasang iyon. Ngunit, panaginip lang pala.
"Anong oras na ba? Akala ko ba maaga tayong ba-byahe ngayun?" Aniya saka ako inalalayan sa pagtayo.
"Anong oras na pala kuya?" pagbabalik ko ng tanong.
"Alas 2 na. Kaya maligo ka na at ng pagdating nila ay nakahanda ka na" Sabi niya saka agad na lumabas sa aking kwarto.
What a nice dream. Akala ko pa naman ay totoo na may marami akong pasa ngunit panaginip lang pala iyon? Ngunit nakakagulat lang dahil kani-kanina lang ay magkayakap lamang kami ni kuya. Hay! Ewan.
Naligo ako at agad na nagbihis. Handa na ang aking buong gamit kaya nung matapos kung e-blow dry ang aking huhok ay agad na akong bumaba. I saw kuya watching on his phone. Nakakunot ang kanyang noo at para bang galit na galit siya.
"Kuya" Sabi ko sa kanya saka agad siyang nilapitan.
Nanlaki ang kanyang mata saka agad niyang itinago ang kanyang cellphone.
