Chapter 30- Ipaglaban mo
PJ's PoV
Sa sobrang bilis kong magmaneho ay hindi ko namalayan na nasa parking lot na kami ng condominum. Agad agad akong lumabas sa loob ng kotse at patakbong tumungo sa elevator. Ganun din ang ginawa ni Rence. Takbo lamang siya ng takbo. Hanggang sa nasa harap na kami ng condo unit ko. I press the keyword and get inside.
Hingal na hingal ako. Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo na't nandito pala si Vince. Sobrang kalat ng unit ko. Mga sapatos niya ay nagkalat sa mesa, mga beer na nasa lapag, may bra pa sa sahig. Napa iling ako. Sana ganito lang ang ginawa niya. Sana wala na siyang ibang ginawa na makapagpapainis sa akin.
"Oh come on" ani Rence saka lumuhod at agad na ini angat ang bra. Tumawa pa siya saka itinapon sa mukha ni Vince na ngayun ay naka handusay sa sofa.
Hindi natinag si Vince sa ginawa ni Rence.
"Your cousin's really a cunt" Aniya saka ako tinabihan.
Napailing ako. Insan. Sana lang hindi siya nakialam sa laptop ko. 'Yung pa rin ang nasa isip ko. Sana lang. Sana.
Agad akong tumungo sa aking kwarto ng mabilisan at hinanap ang aking laptop. Halos nanlambot ako ng wala sa drawer ang laptop ko. Hindi ko alam kong ano ang aking mararamdaman. Napalunok ako saka agad na binuksan ang aking closet. Ginapangan na ako ng kaba dahil wala pa rin doon ang aking laptop. Nararamdaman ko si Rence sa aking likuran.
"Hindi mo mahanap?" Tanong niya. Ang kanyang boses ay may halong pag aalinlangan.
Bumuntong hininga ako saka umupo sa kama.
"Wala sa kwarto" Nag simula ng uminit ang aking ulo. Igting na ang aking panga. Nakakuyom na ang aking palad.
"Eto ba?" Napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata saka agad na tumayo at tumungo sa kanya. Hindi ko maintindihan kong ano ang aking nararamdaman.
"Saan mo eto nakita?" Tanong ko saka hinablot kaagad sa kanyang pagkakahawak.
Hindi niya kaagad ako sinagot. Imbes ay nilingon niya ang lugar ni Vince.
"doon" aniya saka itinuro ang kabilang sofa.
Napalunok ako.
"Nakabukas 'yan ng makita ko" aniya. Dahilan kong bakit ko naitapon sa kama ang aking laptop.
"Bullshit" sabi ko saka agad na tumakbo patungo kay Vince. Lasing siya kaya panigurado wala siya sa matinong pag iisip ngayun.
"Gumising ka" sabi ko saka siya sinapak sa braso. Hindi siya natinag.
Sa sobrang init ng ulo ko na sapak ko siya ng pagka lakas lakas.
"Gumising ka!" Inis na untag ko.
"PJ, calm down" ani Rence saka ako hinawakan sa braso.
"Lumayo ka muna Rence" sabi ko sa kalmadong boses.
Naramdaman ko naman ang paglayo ni Rence sa akin
Kinuha ko ang isang bote ng beer sa center table. May konteng laman pa eto kaya ibinuhos ko sa mukha ni Vince. Wala akong pakialam kong mabasa man ang couch ko. Basta magising lang etong si Vince ay sapat na.
Mabuti nalang at epekto ang ginawa ko. Sobrang inis ang kanyang mukha ng hinarap niya ako.
"What the fuck" aniya habang nakahawak sa ulo.
"Umayos ka" sabi ko sa mala authoridad na tono ng boses.
"What's your problem?" Tanong niya saka isinuot ang kanyang damit
