Chapter 17 : The Truth

670 10 0
                                    

 Chapter 17 : The Truth

Andrea's POV

Hay salamat at Saturday na. Bumaba ako para maglinis at mag ayos ng mga gamit sa bahay. Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay kinuha ko ang laptop na niregalo ni Mike sakin.

Makapag fb nga muna. Pagka open ko nakita ko ang daming notification at message. Meron ding mga friend request. Nagrequest din si Cyrus sakin ngunit di ko ginalaw.

Tiningnan ko ang profile nya at nabigla ako sa kanyang profile pic at cover photo compilation ng mga pictures namin before. Binasa ko ang caption

My one and only girl. . .

785 Likes 505 Comments

Napakasweet naman. . .

Love it, what po ang name ng gf mo? 

Andrea Marie Rodriguez. Im proud to say that this girl is mine. . . hehe (comment nya sa mga nag comment)

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa. Ni logged out ko nalang ang fb ko. Akala ko magkakaroon ako ng peace of mind ngayon, hindi pala. Sh*t naman talaga bakit palagi nalang pinapaalala ang nakaraan. 

ding . . . dong . . . ding . . . dong . .

Sino naman kaya ito? Dali dali akong lumabas para tingnan ang nagdoorbell. Ngunit nagulat ako sa taong nakatayo sa harapan ng gate. . .

Hindi ako nakakibo dahil nakita ko sa mukha nya ang hirap at sakit na nararamdaman nya. Bakit siya lang ba ang nasasaktan at nahihirapan? Hindi ba't masakit ang ginawa nya sakin?

Sweetheart, please? Nakikiusap ako, let me explain why I left without letting you know. Kung nasaktan kita nung umalis ako mas ang sakit na naramdaman ko, dito ( umiiyak na turo niya sa kanyang puso.)

Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko nalang siya dahil alam ko kapag nagsalita ako magtatraydor na naman ang mga luha ko.

Naramdaman ko na sumunod siya sakin. Umupo ako sa sofa, siya naman ay umupo sa harap ko. Tiningnan ko siya, nakita ko siyang umiiyak pa. Huminga siya ng malalim, kinuha ang kamay ko at saka nagsalita. . .

Heart, una sana patawarin mo ko sa ginawa ko (hingang malalim ulet) Biglaan ang naging pag alis ko nagkaroon kasi ng family emergency. Naaksidente ang kapatid ko yung nakabase sa US natatandaan mo ba siya? (tanong nya sakin ngunit hindi ako kumibo) Tinawagan ako ni Daddy, hinahanap daw ako ng kapatid ko bago siya naaksidente. Pinarinig ni Daddy ang paghinga ng kapatid ko at naawa ako dahil sinabi niya na nacomma ito. Kaya nagpasya si Mommy na agad agad pumunta ng US. Hirap na hirap ako nun dahil ayaw kitang iwan lalo na't kinabukasan ang pinakaspecial na araw na palagi kong hinihintay. "

Hindi ko na napigilan ang luha ko habang nakatitig sa kanya. pareho na kaming lumuluha ngunit pinagpatuloy nya parin ang pagpapaliwanag. . .

"After 1 month nagising ang kapatid ko, natuwa ako dahil nabuhay siya at the same time makakauwi na rin ako. Ngunit meron na namang nangyari at hindi na naman ako makakauwi. Ang kapatid ko ang napagdesisyunan na sumama muna kina Mommy pag uwi para maalagaan siya habang nagpapagaling pa. Gusto kong magwala nun, gusto kong tumakas pero nung sinabi nina Daddy na kailangan ko siyang samahan dahil may malala itong sakit at nag aundergo ito ng treatment para maextend ang buhay niya. Wala akong nagawa kundi magstay (sumubsob siya sa kamay ko habang umiiyak)

Wala akong magawa dahil buhay ng Daddy ko ang nakasalalay dun. Di ko maatim na umalis ng walang kasama si Daddy" muli siyang tumitig sakin at nagpatuloy ulet sa pagsasalita " Wala akong magawa. . . gusto ko nang magpakamatay nun dahil naiipit ako. Miss na miss kita pero wala akong magawa. Tinatawagan kita pero laging unattended ka. Araw araw, nagbabakasakali ako na sasagutin mo ang tawag ko kaso wala eh. Nawalan ako ng pag asa. Lagi akong nagkukulong sa kwarto ko. Alam ko nasasaktan si Dad sa nakikita nya sakin kaya nun nasugod siya sa hospital sinisi ko ang sarili ko. Kaya simula nun hindi ko pinakikita kay Dad na nasasaktan ako, pero alam mo pag mag isa nalang ako wala akong ginawa kundi tingnan lahat ng mga larawan mo.

Last month, namatay si Daddy, pero bago siya namatay humingi siya ng tawad sakin, kundi dahil daw sa naging sitwasyon nya hindi sana ako nasasaktan. Andrea, mahal na mahal kita, sana mapatawad mo ako. " pagsusumamo niya sakin.

Hingang malalim. . .

Hingang malalim. . .

Bakit Cyrus, ganon ba kahirap na puntahan ako saglit para magpaalam ha? Dumaan ka man lang sana, pero hindi eh. Ang sakit nun, alam mo ba, ha? "umiiyak kong sabi sa kanya. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko at tumabi sakin ng upo.

Hindi lang ikaw ang nasaktan sa nangyari, ako din. Gusto kong puntahan ka ngunit pano?

Hindi ko alam Cyrus, hindi ko alam. 4 years akong nagkulong sa sakit na nararamdaman ko. May boyfriend na ako ngayon, tinulungan niya akong makarecover sa sakit na dinulot mo,. .

Yung Mark ba? Hindi ako papayag. Alam ko, Sweetheart ako parin ang mahal mo. Babawiin kita sa kanya. 

Mahal ko siya. . . (sabi ko sa kanya habang nakayuko ako)

"Hindi! hindi ako papayag. . . Babawiin kita sa kanya. Mahal na mahal kita, please Sweetheart. . ."

"I don't know. . .Cyrus. . . iwan mo muna ako please?"

"Iwan mo muna ako, Cyrus, please? Naguguluhan ako. . . "

"Aalis ako pero babalik ako at babawiin kita sa Mark na yun"  naramdaman ko ang pagtayo niya at saka lumabas na ng bahay.

Naiwan akong nakatulala at gulung gulo ang isipan . . . Habang tumatagal lalo lang nagiging magulo ang lahat. . . 

Cyrus's POV

"Aalis ako pero babalik ako at babawiin kita sa Mark na yun" dahan dahan akong tumayo at lumabas ng bahay nila. Ngayong nasabi ko na ang side ko, alam ko at nararamdaman ko na pinatawad nya na ako. Gagawa ako ng paraan para makuha kong muli ang babaeng pinakamamahal ko.

Pagdating ko ng bahay namin, nakita ko sina Mama na naghihintay sakin. Dumiretso ako sa sofa at umupo sa tabi niya. Agad naman akong nilapitan ni Mama.

"Hijo, kumusta ang lakad mo? Nagkausap na ba kayo?" tanong nito sakin.

"Opo, Ma. Pinaliwanag ko po ang lahat lahat, " malungkot kong sagot dito.

"Anong sabi naman niya sayo?"

"Bakit hindi man daw ako nagparamdam sa kanya. Pinaliwanag ko sa kanya na tinatawagan ko siya pero di ko siya makontak. Naunawaan nya naman ako, Ma. Alam ko yun"

"Yun naman pala eh, so bakit napakalungkot mo parin?" nag-aalalang tanong ni Mama sakin.

"May boyfriend na siya Ma." umiiyak kong sabi sa kanya. Niyakap ako ni Mama ng mahigpit, lalong nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo nito.

"Sabi sakin ni Mike, kailan lang niya sinagot ang bf nya, Ma. Sobra daw nasaktan si Andrea sa pag-alis ko nang walang paalam. Ngayon lang daw ulet bumalik sa dati si Andrea. Masyado daw niyang dinamdam ang pag-alis ko. Kaya hindi daw niya masisisi si Andrea kung bakit sobrang laki ng galit niya sakin."

"Ma, babawiin ko siya sa lalaking iyon. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya, Ma."

Wala akong ginawa kundi umiyak sa balikat ni Mama. Mahal na mahal ko si Andrea, ngunit ang sakit malaman na ang babaeng mahal mo ay mayroon ng kasintahan.

"Hindi ako papayag! Hindi! Babawiin kita, Andrea. Come what may!"

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon