Chapter 14 : Ang Pagbabalik

674 12 0
                                    

Chapter 14 :  ANg Pagbabalik

Cyrus's POV

Welcome home! Hay, after 4 long years, akala ko hindi na ako makakabalik dito sa Pilipinas. Napakarami na ng nagbago sa bansang kinalakihan ko.

"Kumusta ka na kaya, Heart? Naaalala mo pa kaya ako? Pinalitan mo na ba ako sa puso mo? " ang dami kong katanungan sa aking isipan. Mga tanong na kinakatakutan kong malaman ang kasagutan.

Paano kung may mahal na ang babaeng pinakamamahal ko? Pano kung hindi niya na ako maalala? Paano kung hanggang ngayon namumuhi siya sa ginawa kong desisyon? 

Oh, God help me. Siya lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pinagpapatuloy ko ang buhay ko.

Andrea, mahal na mahal parin kita hanggang ngayon. Ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko.

Nang biglang. . .

"Kuya, nandito na tayo. Ang lalim naman ng iniisip mo" sabi sakin ni Mark.

"Wala may naalala lang ako"

"Ha? Sino girlfriend mo?"

"Yeah. My girlfriend. Kumusta na kaya siya? Galit pa kaya siya sa ginawa ko? " napabuntung hininga nalang ako sa dami ng aking mga tanong.

"Siguro naman Kuya. Mukhang sa tingin ko sa girlfriend mo mabait at maunawain base sa mga kwento mo at nila Mama,"

"Yap. Napakabait niya at maunawain pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari pag nagkita na kami."

"Everything will be alright, Kuya."

"I hope so, Mark. Anyway, san nga pala ako pinaenroll ni Tito Sean?"

"St. Mary's University din, Kuya. Nacredit naman lahat ng units mo. Buti nalang second sem na kaya pumayag ang school."

"Salamat naman kung ganon. At least may kakilala na ako sa school na papasukan ko di ba? Hindi na ako mahihirapan pa.

Andrea's POV 

kring . . . kring . . . kring . . . kring . .

"Hello? hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag. Alam ko naman na kung hindi si Mike, si Mich lang ang tumatawag sa akin ng ganito kaaga eh.

"Hoy, Mahal ko, hello lang sasabihin mo sakin? Nakakapagtampo ka naman eh." naku ang boyfriend ko palang matampuhin ang tumatawag. Namiss ko tong taong ito after 2 weeks dun lang naalalang magparamdam.

"Hey, akala ko kasi si Mike lang eh. Himala nakatawag ka ngayon? Miss na miss na kita, Mahal ko. Asan ka ba nyan?

"Andito kami sa airport Mahal ko. Pauwi na ng Pilipinas. Magkikita na tayo bukas. Humanda ka ah, madami kang utang sakin, he he"  natatawang sabi niya sakin.

"Baliw! Utang ka dyan. Tse. Haha, ingat sa pag uwi ha? Uy, Mahal ko I need to end na yung call may inaayos kasi kami ni Prof. Mariano eh. See you tomorrow nalang ha? Love you! Muah . . . ."

Pagka end ko ng call saka naman dumating sina Mike at Mich.

Best, si Mark ba ang tumawag sayo? Kailan daw uuwi yun?

 Papasok na daw siya bukas, Best.

Hay, salamat naman. Sweetheart di na maiistorbo date natin, ha ha. . nang aasar na sabi nito sakin.

Ano ka ba naman, Sweetheart? Ok lang sakin na palagi nating kasama si Best Andy. Ang saya saya kaya." pagkontra ni Mich sa bf nyang epal.

Wahaha, buti nga sayo, akala mo ah. Kakampi ko yan" sabi ko kay Mike habang naka poker face.

Sabi ko na nga ba kokontrahin na naman ako ng sweetheart ko eh.

Nakasimangot na sabi ni Mike sa akin. Lalo siyang naasar nang tumawa kami ni Mich ng malakas. 

 Uy, kidding aside Best. May new student daw bukas ah. Classmates daw natin. Engineering din daw ang course. May hint ka ba kung lalaki o babae siya?

No, idea Best. Tingnan nalang natin bukas. Excited much lang no.

Syempre malay mo matalino pala edi may makakalaban ako. Kawawa naman ako nun. Gets mo ba?

Ayaw mo yun maganda ang laban, ha ha. Best, alam ko naman na kahit ilan pang matalino ang dumating sa batch natin ikaw parin ang mananalo.

"Kaya nga hindi kita matapon eh. Salamat dear bestfriend. Love you both,"  niyakap ko sila pareho bilang pagpapasalamat sa lahat ng mga ginagawa nila para sa akin.

“Teka nga, bakit palagi nalang nawawala si Ken? Saan ba nagsususot ang lalaking iyon?”

“Aba,malay ko. Hindi ka na nasanay ilang lingo na nating hindi nakakasama nag lalaking iyon?”

“Ou nga noh, kahit sa bahay hindi ko namamalayan na umuuwi eh”

“Anyway, tara na nga sa room baka mahuli pa tayo”

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon