Chapter 16 : Bad Day

706 15 0
                                    

 Chapter 16 : Bad Day

 Cyrus's POV

Maaga akong pumasok ngayon, dahil gusto kong makausap si Andrea. Pagdating ko sa room namin wala pa siya. Nagtaka ako dahil alam kong palagi siyang maaga pumasok.

Hintay. . . Hintay hanggang sa nagtime, kaso wala pa din siya nang bigla na lang may nagsalita. .

"Good morning po, Sir!"

"Good morning Ms. Rodriguez, himala at nalate ka yata ngayon?" tanong sa kanya ng prof namin.

"Inaayos ko po kasi yung activity next week, Prof. Pasensya na po"

"Ok, go to your seat now.

Thank you, Sir.

Bago, siya lumakad tumingin muna siya sa direksyon ko at napasimangot. Pagkatapos lumingon siya sa bandang kaliwa at tumingin kay Mike at tumango naman ito saka dumiretso sa upuan niya.

"Heart, let's talk please?" salubong ko sa kanya. Ngunit tiningnan nya lang ako ng masama. Nakaramdam ako ng lungkot dahil nakita ko ang sobrang galit sa mga mata niya.

Nang magsimula ang klase, sinulyapan ko siya at nakita ko na sobrang nakafocus sya sa lesson. Wala paring nagbago sa kanya.

She's still the same woman na minahal ko before at 'til now ay minamahal parin. Sana maging maayos na din ang lahat.

Sa wakas lunch break narin. Nagsilabasan na ang mga classmates ko. Si Andrea naman ay inaayos pa ang gamit niya. Nung matapos nagmamadali siyang lumabas ngunit napigilan ko siya.

"Heart, I miss you! Mahal na mahal kita mula nuon til now hindi ka nawala sa puso ko. Please give me a chance to explain." sabi ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

"How dare you say that to me? Wala tayong dapat pag usapan! Leave me alone!" luhaang sabi niya sakin sabay takbo palabas.

Naiwan ako nakatulala sa room dahil sa nangyari. Sobrang laki talaga ng galit niya sakin. Hindi ako susuko hanggat hindi niya ako napapatawad.

Mark's POV

Heto ako ngayon, papunta sa room nila Andrea. Nang malapit na ako nakita ko siyang tumatakbo palabas ng room habang umiiyak. Hindi niya ako napansin dahil dire diretso siyang tumatakbo. Sinundan ko kung saan siya pupunta. Huminto siya sa tambayan namin.

Sumubsob siya sa palad niya. Alam kong umiiyak siya dahil nakita ko ang balikat niya na gumagalaw. Bigla siyang nag angat ng mukha at tumingin sa langit. Nagulat ako ng sumigaw sya ng malakas.

Waaaaaaaaahhhhh . . . . . . . . . .. .

Saka muli siyang sumubsob sa kanyang mga palad. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Mahal ko, bakit ka umiiyak? tanong ko sa kanya. Ngunit hindi niya ako sinagot. Patuloy lang siyang umiiyak sa balikat ko.

"Tandaan mo nandito lang ako ha? Huwag mong solohin kung ano man ang nandyan sa dibdib mo. Handa akong makinig, ok?" pang aalo ko sa kanya.

Nag angat siya nang mukha at umalis sa pagkakayakap sakin.

"I'm sorry Mahal ko, nagrelease lang ako ng stress. Ang dami kasing trabaho eh. Pasensya na ha, kung kailan ka dumating saka naman ako nagkaganito." paliwanag nito sakin. Alam ko hindi iyon ang dahilan kung bakit siya umiiyak pero hinayaan ko nalang siya. Sasabihin nya naman iyon pag ready na siya eh. 

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon