Chapter 40 : Siblings' Competition 2

416 6 0
                                    

Chapter 40 : Siblings’ Competition 2

Mark’s POV

Simula kaninang nakita ko ang picture nina Andrea at Kuya na nakapost sa facebook, nag-iba talaga ang mood ko. Sino ba namang hindi kung malaman mo na magkatabing natulog ang babaeng mahal mo at ang karibal mo sa kanya.

Sa palagay ko nga inaasar lang ako ni Kuya para igive up ko na ng tuluyan si Andrea. But I will not allow him to win. Mahihirapan siya sa akin, dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko lalo na at ang pinag-uusapan ay ang babaeng sentro ng buhay ko.

Kailan ko kaya masosolo si Andrea? Palagi nalang kasing nakabuntot si Kuya eh. Hindi tuloy ako makaporma kay Andy. Tapos dito naman sa motorboating, umepal na naman eto tuloy kaming dalawang magkapatid ang naging magkatabi.

What can you say about our pictures?”  tanong ni Kuya.

Honestly? Ok naman Kuya, alam ko naman na magkaibigan lang kayo ni Andy. At napagkatuwaan kayo nina Ken at Mike” nakangiting sabi ko sa kanya.

Really, parang iba ang nakita ko kanina sa sinasabi mo ngayon bro. Nakita ko kung paano ka napasimangot pagkakita mo tapos sasabihin mo sa akin ngayon na ok lang”

“Kuya, kahit na ano pang gawin mo hindi ko isusuko si Andrea dahil alam kong mahal na mahal niya ako. Alam kong iyon ang tanging hawak ko para manatiling lumalaban para sa kanya” paliwanag ko kay Kuya.

Hindi rin ako susuko bro, hanggang sa mabaling muli sa akin ang pagtingin ni Andrea. Pasensya na pero hindi ko talaga kayang ipaubaya siya sa iyo eh” pahayag niya sa akin.

Ok, so may the best man win. At kapag nakapili na siya sana maggive way na ang natalo” seryosong pahayag ko kay Kuya.

It’s a deal” pagpayag niya sa sinabi ko.

Dear, look here” sigaw ni Andrea sabay pinicturan sina Ken at Alice. They really look good together. Mukhang nakahanap na talaga ng lovelife si Ken sa katauhan ni Alice. Hindi na sila nagbabangayan ngayon. Improving ah.

Since hindi kami makapag-usap dahil asungot si Kuya, matext ko na nga lang siya.

To: Mahal koh

       if i never met you, i wouldn't like you. if i didn't like you, i wouldn't love you. if i didn't love you, i wouldn't miss you. But i did, i do, and i will

Message Sent!

Toot...toot…

From: Mahal koh

       Weh, di nga? How sweet naman c”, Ok ka lang ba dyan sa tabi ng Kuya mo?

To: Mahal koh

         Slight. Pwede bang makipagpalit ng lugar kay Mike?

From: Mahal koh

          Para namang hindi mo kilala iyan Kuya mo. Saglit nalang naman magtiis ka na dyan

To: Mahal koh

       Ano pa nga bang gagawin ko kundi pagtiisan ito c”,

 Lumingon si Andrea sa akin saka niya ako nginitian at nagthumbs up pa. Alam kong nakita ng lahat iyon kaya bigla silang nagsigawan.

Hey, what was that all about Miss Andrea?” nakangising tanong ni Ken.

Just mind your girl my dear. I guess you really are enjoying the view, right Alice?” nakangising pang-aasar nito.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon