Chapter 39 : Siblings' Competition

458 8 0
                                    

Chapter 39 : Siblings' Competition

Ken’s POV

Nasaan kaya si Andy? Bakit kaya wala siya sa kama niya? Naku may pasok pa naman kami ngayon. Wala ba siyang balak pumasok?

Hindi kaya nagsenti na naman ito kagabi. Grabe lang kasi eh sobrang competitive yung dalawang magkapatid kaya palaging nagbabangayan. Mapuntahan na nga si Mike. 

Uy, wake up. Nakita mo ba si Andrea?”

“Asar ka bro, sarap ng tulog ko manggigising ka. Ikaw ang katabi niyang matulog ah, eh di tanungin mo ang sarili mo” pikon na sabi ni Mike habang pupungas pungas pa.

Pagkagising ko nga wala sa kwarto. Ni hindi nga natulugan ang kama nya, kaya hinahanap ko siya”

“Baka naman ginugudtime mo lang ako bro ah. Anyway hindi naman siya sumama kay Mark kagabi kaya nandyan lang yun. Tara hanapin natin kay Cyrus” pahayag ni Mike sa akin. Dali dali kaming pumunta kay Cyrus.

Look, maging si Cyrus, bro wala rin” sabi ko sa kanya

Saan naman kaya nagpunta ang dalawang iyon?” nagtatakang tanong Mike.

Tingnan natin sa baba. Baka maagang nagising iyon kaya hindi mo na inabutan sa kwarto ninyo” saka kami bumaba ni Mike para hanapin ang dalawa. Una naming pinuntahan ang kusina ngunit ni anino nila dun ay wala. Sunod sa may bakuran at likod ng apartment ngunit talagang wala ang dalawa. Hanggang sa naisipan namin na magtambay muna sa sala at nakarinig kami ng naghihilik.

Narinig mo ba iyon bro?” tanong ni Mike sa akin. Saka sabay naming hinanap ang pinanggalingan ng tunog. Hanggang sa mapansin namin na may nakahiga pala sa may carpet.

Naku, bro, ayan pala ang hinahanap natin oh. Pano nangyari na nakatulog sila dyan?” si Mike.

“Aba malay ko.mukhang dumadamoves si Cyrus ah” saka sabay kaming nagtawanan ni Mike.

Aba ang lakas na ng tawanan namin pero hindi talaga nagising ang dalawa ah. Mukhang katutulog lang ng mga ito. Anong oras naman kaya silang natulog? Nang biglang tumunog ang cellphone ni Mike.

Kring…kring….kring….

“Hello, Lee, why the sudden call?”

“No need for you to go to class today. The management cancelled the class today. They have an emergency meeting”

“Ok, thanks bro” sabi ni Mike kay Lee.

No problem. See you later ok. Got to go” pagpapaalam ni Lee. Buti nalang at walang pasok kundi malelate kami sa hitsura ng dalawang ito. Parang baby kung matulog ang mga bwisit. Mapicturan nga at mapost sa facebook, para pagpyestahan na naman ng mga fans ng CYREA.

Naiisip mo ba ang naiisip ko bro? Pagtripan nga natin ang dalawang ito tutal nang-iiwan sila sa ere. Sila lang dalawa lagi ang nagbobonding” nakangising pahayag ko kay Mike

Cool, bro. Sige picturan mo lang ang dalawa at kukunin ko naman ang laptop para maupload agad” agad ngang umakyat ng kwarto si Mike para kunin ang kanyang laptop. Habang ako naman ay pinipicturan ang dalawa na may iba’t ibang side.

Pagbaba ni Mike ay agad naming inapload ang mga pictures na kinunan ko at presto hindi pa man nakaka-isang minuto ang dami na agad naglike. (insert evil smile)

Wow, bro, basahin mo itong comment na ito” tiningnan ko kaagad ang sinasabi ni Mike at tulad ng inaasahan namin ang daming natuwa sa kanilang picture together.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon