Chapter 25 : Heartbreak2

574 9 0
                                    

Chapter 25 : Heartbreak2

Andrea’s POV

Kring. …kring. . . .kring….

Hello?” Ken is calling. Bakit kaya? May nangyari ba? Asan kaya sila, hindi sila nagpunta sa tambayan ah.

Andy, asan ka?” si Ken

Rooftop, why?” takang tanong ko sa kanya. Mukhang nag-aalala ito ah, may nangyari nga kaya?

I’ll go there. Wait for me ok?”  sabay end ng call. Ano bang nangyayari at kailangan niyang mataranta sa lugar na pinupuntahan ko. Tumingin ako sa langit saka dinama ang ihip ng hangin. Napakasarap talaga kapag at peace ka noh, walang problemang kinakaharap. Naramdaman ko ang mga yabag ng paa, for sure si Ken na iyan kaya inabangan ko na siya. Nakita ko ang pagbukas ng pinto at pumasok ang hingal na hingal na si Ken.

Hey, is there any problem?” litong tanong ko kay Ken.

We are so worried about you. I received a message saying that they are holding you kaya I called you to know if it's true”  paliwanag nito.

I’m just fine. Sino naman ang magtetext sa inyo ng ganong bagay?” nagtataka kong tanong sa kanya. Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa sina Mike, Mark at Cyrus. Lahat sila ay namumutla.

Nakita ko ang panginginig nila. Lahat siguro sila ay nakatanggap ng message. Pero sino kaya ang may pakana nito. Nilapitan ako ni Mike at niyakap ng mahigpit, ganon din ang ginawa nina Mark at Cyrus.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo Andrea” si Mike

I’m so afraid Andy, ayoko nang mawala ka sa paningin ko. I’ll be right next to you to protect you”  si Mark. Napansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Mark. Akala ko nakalimutan niya na ako hindi pa pala. Siguro nahihirapan pa rin ito hanggang ngayon dahil sa mga bagay na nangyari sa pagitan namin ng Kuya niya.

Hindi ako papayag na may gawin silang masama sa iyo, dadaan muna silang lahat sa bangkay ko bago nila magawa ang pakay nila sa iyo” nanginginig na pahayag ni Cyrus.

Hey, will you please explain what is happening here? Bakit ba napakapraning ninyo naman ngayon?” nagtatakang tanong ko sa kanilang lahat.

I received a text message from unknown number, it says there,  that they were holding you and in no time they will do you harm” paliwanag ni Ken sa akin. Hindi ako makapaniwala na mayroon pa palang mga tao na mahilig sa mga mysterious text. Sino kaya ang may pakana nito?

Ako din ay nakatanggap ng message na kapareho ng kay Ken, and I think si Mark at Cyrus din. Sino kaya ang may pakana nito?” si Mike.

May nakaaway ka ba Andrea?” tanong ni Cyrus sa akin.

Honestly? Meron!” nakita ko na napatingin silang lahat sa akin. Lahat naghihintay ng susunod kong sasabihin. Siguro iniisip nila na ito ang may kagagawan ng mga text sa kanila. Wala naman akong ibang nakaaway kundi si Cyrus eh.

“Sino?” sabay sabay nilang tanong sa akin.

Cyrus. Siya lang naman ang nakaaway ko hindi ba. Pwede ba guys, wag nga kayong praning baka sa ngayon pinagtatawanan na kayo ng gumawa ng message na yan. You all look epic” pagbibiro ko sa kanila.

This is not a joke, Mahal koh. We are just concern of your safety. We don’t want anything bad happens to you”  seryosong pahayag ni Mark. Pinagmasdan ko silang lahat at nakita ko na napakaseryoso nila. Talagang mahal na mahal nila ako and I’m touched.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon