Chapter 12 : Memory of the Past

647 9 0
                                    

 Chapter 12 : Memory of the Past 

Cyrus's POV

Hay, it has been 3 years now. Kumusta na kaya siya? Cguro napakarami na nang nagbago sa kanya (habang malungkot kong tinititigan ang picture namin ni Andrea)

Ako nga pala si Cyrus Santiago, Andrea's boyfriend. May malalim akong dahilan kung bakit kinailangan ko siyang iwanan nang hindi nagpapaalam.

Naaalala ko pa, nung nasa first year high school kami. Nagkakilala kami dahil sa isang event sa school. Supreme Student Council Election iyon kung saan pareho kaming nakuha bilang candidate. 

Nagtanong ang ibang officer samin kung anong intermission number ang gagawin ng group. Napagdesisyunan na sasayaw nalang by partner, since kaming dalawa ang muse at escort kaming dalawa ang naging magpartner.

Sa tuwing magpapraktis kami, napansin ko na lagi siyang tumatawa, nagtaka ako kaya tinanong ko si Mike na kadikit niya. Dun ko nalaman na pinagtatawanan niya ako dahil para daw akong puno na nagsasayaw. . .

"Hoy, bakit ka tumatawa dyan?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Ako tumatawa, hindi ah," pagdedeny nya kahit halata naman na pinagtatawanan ako.

Anong hindi? Ayan oh, napaka obvious mo. Tinatawanan mo ako noh.

Tse, ou na ang tigas tigas mo kayang sumayaw, ha ha. Halika nga turuan kita. Nakakahiya kang sumayaw.

Pumayag ako na turuan nya ako kasi nga naman nakakahiya nga talaga akong sumayaw. Iyon ang simula ng pagiging close namin.

Isang araw kumakanta naman ako sa paborito naming tambayan. Kinakanta ko ang Miss You Like Crazy ng Moffatts nang bigla akong makarinig ng boses babae na sumasabay sa pagkanta ko. Nagulat ako nang paglingon ko nakita ko si Andrea.

"Maganda pala boses mo. Buti hindi ka sumasali sa singing contest dito? tanong ko sa kanya.

Naku, ayoko nga. Mahiyain ako noh. Kagaling mo naman maggitara (nakita ko na pinakakatitigan nya ang gitara)

Hey, gusto mo turuan kita?

Talaga? Cge, Cyrus love ko matutunan tumugtog ng gitara eh. Salamat ha.

Araw araw tinuturuan ko siyang maggitara, hanggang sa natutunan na nya ito. Kasabay ng pagkatuto niya ay tuluyan na akong napamahal sa kanya.

Gumawa ako ng paraan para mahalin nya rin ako. Every day pinapadalhan ko siya ng red roses, pag hapon naman nakatambay kami sa bahay nila.

Sinusundo ko din siya araw araw, naglalakad kami papunta ng school pero bago kami pumasok sa school siyempre kinakantahan ko siya.

Hanggang sa dumating yung araw na nagtapat ako ng pag ibig ko sa kanya. Hindi naman ako nabigo sa panliligaw sinagot niya ako. Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

Pinakilala ko siya sa pamilya ko. Nagustuhan naman siya at tinuring na pamilya.

Every Sunday nagkikita kami at nilalaan namin sa simbahan tapos pupunta sa ampunan para makipaglaro sa mga bata.

Walang araw na hindi kami naging masaya. Hanggang sa dumating ang pinakamasakit na bahagi ng buhay ko. 3rd year high school kami nang makatanggap ako ng isang tawag.

kring . . . kring . . . kring . . . kring . .

"Hello, dad?"

Cyrus, you need to be here immediately. Si Mark naaksidente.

What? Are you serious dad?

Ano ka ba? Do you think gagawin kong biro ang buhay ng kakambal mo? Andyan na ang plane ticket mo ngayon din ang flight mo.

Yes, dad.

Wala akong nagawa kundi sundin ang utos ng daddy ko. Ni hindi ko na nagawa pang makapagpaalam kay Andy. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin that time. I need to choose one and i chose my twin brother. Bago ako umalis binilin ko sa katulong na ibigay ang gitara na regalo ko kay Andrea sa aming 4th year anniversary. Yes, our relationship is going strong at yung araw na pag alis ko ang araw din ng ika-4 na anniversary namin tapos dun pa biglang nangyari ang lahat.

Pagkadating ko ng US nalaman ko na my twin brother is in coma and since ako ang superclose nya ako palagi ang hinahanap niya.

After a month nagising siya, cguro dahil narin ito sa pakikipag usap ko araw araw sa kanya.

Hanggang sa naging mabilis ang recovery nya at tuluyan ng gumaling. Nung totally heal na ang bro ko I decided na magpaalam kay dad na umuwi na ng Pilipinas kaso...

"No, si Mark ang uuwi ng Pilipinas, Cyrus. Ikaw muna dito sa akin, " pakiusap ni dad sa akin.

"Yes, son, hindi pupwedeng maiwang mag isa ang daddy mo. He's suffering from his heart ailment. He's into treatment kaya hindi siya makauwi sa atin. Masyado ng malala ang sakit ng daddy mo." paliwanag ni Mommy sakin. 

Okey, Dad. I won't leave" pagkasabi ko nun ay tumakbo ako sa kwarto ko. 

Bakit kung kailan akala mo wala ng problema saka naman may lulusot na isa pa. Gusto ko ng makita si Andrea. I really wanted to see her.

Wala na akong nagawa pa kundi ipagpatuloy ang buhay ko. Pinagpatuloy ko ang pag aaral ko. Nasa 3rd year college na ako ngayon pero bigla namang lumalala ang sakit ni Dad at tuluyan na siyang pumanaw.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon