Chapter 44: A Miserable Cyrus
Andrea’s POV
Ano kayang nangyari at wala pa sila Ken at Mike? Panigurado ako kinausap pa nila si Cyrus. Kahit naman ano pang sabihin nila dun wala na silang magagawa pa. Masyadong sarado ang utak nya para sa mga comforting words na manggagaling sa amin nina Ken at Mike.
“Andy, come here, I’ve got something for you” si Patrick habang iginigiya niya ako papunta sa isang garden.
“Hey, I told you not to give me a gift anymore” nahihiyang pahayag ko sa kanya. Nang makarating kami sa garden mayroong isang malaking box na nandun at may nakalagay na name ko. Nang buksan ko nakita ko na puro box lang ang nasa loob, kaya napatingin ako kay Patrick. Napansin ko na nakabungisngis ito, mukhang pinagtitripan lang ako nito ah.
“Hey, is this a joke?” asar na tanong ko sa kanya nang biglang magsisulputan ang iba pa naming barkada less Ken, Mike at Cyrus.
“Open it, mahal koh. Masyado ka namang mainipin eh” ang aking boyfriend. Na sinegundahan naman ng lahat habang tumatawa sila. Humanda kayong lahat sa akin.
Sige bukas lang ng bukas. Pero puro box talaga eh. Ang dami na ng nabukas ko nakakapagod din. Hanggang sa umabot ako sa pinakamaliit na box at may nakita akong isang susi na nakalagay ang name ko. Anong susi kaya ito? Tumingin ako kay Patrick saka niya ako kinindatan.
“What’s this Pat?” manghang tanong ko sa kanya.
“Find it out sweety. Just roam around the garage and try to insert the key and if it works then that’s my gift for you” nakangiting pahayag niya sa akin. Sinunod ko ang sinabi niya sa akin. Inumpisahan ko sa isang motorcycle, the key doesn’t work.
Sinunod ko ang mga kotse, hindi rin hanggang sa makita ko ang isang brand new car na kulay powder blue, inisert ko ang key and it works. Tumingin ako sa kanya saka niya ako nginitian. Grabe ah, napakagalante talaga ng bestfriend kong ito.
“Pat, don’t get mad at me ha, but I can’t accept this. It’s too expensive” nahihiyang pahayag ko sa kanya.
“Nah, you deserve that gift. Actually, my Dad was the one who gave you that car. He wanted to say thank you to you, because of the things that you have done to me”
“Nah, I didn’t done anything special for you” sabi ko naman sa kanya.
“I’m not that studious before, sweety, but when you came into my life everything went well regarding my studies and so, here I am I’ve finish my course in time. That’s why my father is so thankful because of what you’ve done to me. So if I were you, no more questions ask just accept the gift, ok?” nakangiting pahayag ni Patrick sa akin.
“Thank you so much, Patrick” sabi ko sa kanya saka ko siya niyakap at hinalikan sa pisngi.
Ding…dong…ding…dong…
“Hayan na siguro sila Ken at Mike” bulong sa akin ni Mark.
“Let’s go guys. Punta na tayo sa living room” si Patrick. Pagdating namin sa living room siya namang pagpasok ng dalawa. Pinakatitigan ko sila ngunit iniiwas nila ang kanilang mga mata. Nilapitan ko sila saka ko napansin na putok ang labi at kilay ni Ken, samantalang si Mike sa may labi lang.
“What happened?” tanong ko sa dalawa habang nakatitig ako sa kanila. Walang sumasagot sa dalawa. Nanatili lamang silang tahimik habang nakatingin sa akin. Alam ko na nararamdaman nila na nagagalit ako.
“Wait here, I’ll get my first aid kit” si Patrick
“I’ll repeat my question, what happened?” asar na tanong ko sa dalawa. Paano ba namang hindi, mukhang nakipagsuntukan ang dalawang ito. Hindi naman nila usually ginagawa ang bagay na ganito, ngayon lang.
BINABASA MO ANG
I'll Never Get Over You (Completed)
Roman d'amourAnong gagawin mo kung ang babaeng pinakaiibig mo ay mahal ng kapatid mo? Hahayaan mo ba siyang mapunta sa kapatid mo o ipaglalaban mo ito? Let's find out in this kilig love story of two siblings who's fighting for their love with the same woman. . .