Chapter 38 : Usapang Ex-Lovers
Cyrus’s POV
Nakakainis naman bakit hanggang ngayon mulat na mulat pa rin ang aking mga mata. Bakit kaya? Dahil ba hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga ginawa ng kapatid ko sa akin kanina? Asar naman kasi eh, kung kailan nababalik na ang pagiging close namin ni Andrea saka naman siya eeksena.
At ngayong nasa eksena na ang kapatid ko, malamang mawalan na ng panahon sa amin si Andrea. Bakit kasi dito pa sa bansang ito naisipang pumasok ni Mark eh, sana kung wala siya, malaki ang posibilidad na magkabalikan kaming dalawa.
Tandaan niya, hinding hindi ako magpapatalo sa kanya. Babawiin ko kung ano ang sa akin. Buti nalang at kakampi ko ang mga schoolmates at classmates namin, pwede akong magpatulong sa kanila sa panunuyo ko kay Andrea.
Buti nalang at tulog na ang mga kasama ko sa bahay kundi naku, marami na namang katanungan ang itatanong nila sa akin. Kesyo bakit hanggang ngayon gising pa ako? Ano ang gumugulo sa isipan ko? Natethreatened ba ako? At kung anu ano pa.
“Sweetheart, anong ginagawa mo dyan? Masakit ba ang mga sugat mo?” nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Andrea. Akala ko ako nalang ang gising, hindi pala.
“Bakit gising ka pa?” takang tanong ko sa kanya saka binuksan ko ang ilaw sa sala.
“Hindi kasi ako makatulog eh. Ikaw bakit gising ka pa?” balik-tanong ko sa kanya
“Hindi rin ako makatulog”
“Iniisip mo ba ang kapatid ko?”
“Honestly?”
“Yes. Are you thinking of him?”
“Not exactly na siya ang iniisip ko, kundi ang magiging sitwasyon ko bukas paggising ko” malungkot na pahayag nito sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Narinig mo naman kanina yung mga sinabi ng kapatid mo di ba?”
“What about it?”
“Honestly, may usapan kami ni Patrick bago naging kami”
“Ano naman ang usapan ninyong dalawa?”
“Nagkaroon kami ng kasunduan na bibitawan niya ako kapag bumalik na si Mark sa buhay ko” malungkot na pahayag niya.
“Oh, iyon naman pala eh, wala ka ng problema” malungkot kong sabi sa kanya.
“Hindi mo ako naiintindihan. Patrick is the kind of person na hindi dapat sinasaktan. Napakabait niya para mangyari sa kanya iyon, and I don’t want that to happen”
“Then let him initiate your break up para atleast malessen ang pain di ba?”
“Ganon ba iyon? Ayoko na kasing umabot pa sa ganon. Ayokong may nakikitang nasasaktan. Para bang feeling ko ako iyong nasa sitwasyon nila. I don’t mean anything here ok?” malungkot nitong pahayag. So ibig sabihin until now hindi pa rin siya nakakaget over sa akin? And meaning mayroon pa ring chance para sa aming dalawa.
“Why, sweetheart? Dahil ba hanggang ngayon mayroon pa rin akong puwang sa puso mo?”
“You will always be part of my life, sweetheart, kaya lang tulad ng sinabi ko sa sulat, I've already fallen deeply inlove with your brother. Siguro kung napaaga lang ang pagdating mo siguro hindi mangyayari iyon or maybe mas natagalan ang process ng moving on sa part ko”
BINABASA MO ANG
I'll Never Get Over You (Completed)
RomanceAnong gagawin mo kung ang babaeng pinakaiibig mo ay mahal ng kapatid mo? Hahayaan mo ba siyang mapunta sa kapatid mo o ipaglalaban mo ito? Let's find out in this kilig love story of two siblings who's fighting for their love with the same woman. . .