Chapter 20: The New Cyrus

666 11 0
                                    

Chapter 20 : The New Cyrus

Andrea’s POV

“Dear, let’s go!”  sigaw ni Ken sa akin.

Nagmamadali akong bumaba at nagdire diretso na sa labas kung saan naghihintay si Ken. Pagkakita sa akin ni Ken ay agad niya akong pinagbukas ng pinto ng kotse. Pumasok naman agad ako saka inilagay ang headphone sa aking tenga at nakinig ng music. The usual na ginagawa ko saka ako pumikit.

“Best, punta naman tayo sa park mamaya paglabas ng school” sabi ko kay Mike ng hindi ito nililingon. Nagtataka ako kung bakit hindi ito nagsasalita.

Uy, Best, a. . .” hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nabigla ako. Hindi pala si Mike ang katabi ko, si Cyrus pala. Hindi ko malaman ang gagawin ko kaya pumikit nalang ulet ako. Alam kong pinagmamasdan niya ako kaya lalo akong kinabahan.

God, mahal ko parin siya. Pero paano si Mark. Ang hirap naman oh, hindi ko namamalayan tumutulo na pala ang mga luha ko. Nagkunwari akong may kinukuha sa bag ko saka ko palihim na pinunasan ito. Buti nalang busy sila sa paghaharutan. Finally, nandito na kami sa school. Lumabas na sila Ken at Mike ngunit nananatili parin ako sa loob ng kotse. Hindi ko alam pero hindi ko magalaw ang mga paa ko. Nagulat ako nang bumukas ang pinto saka ako inalalayan ni Cyrus pababa.

Tinitigan ko siya saka ako nagpasalamat. Paglingon ko nakita ko si Mark na papalapit. Nakita ko na nakakuyom ang kanyang kamao habang papalapit sa akin. Akmang susuntukin niya si Cyrus pero humarang ako.

Stop it Mark! Don’t even dare touch him, or else I will not talk to you anymore. You know me, I don’t want any commotion involving the three of us. What happened last week is enough. I hope you got that. Let’s go!” hinatak ko na siya para maghiwalay na silang magkapatid. Pero bago kami tuluyan makalayo ay sinulyapan ko muna si Cyrus. Nakita ko ang pain sa mga mata siya.

Thank you, Cyrus. I’m sorry again!” hindi ko na talaga napigilan ang aking mga luha. Mahal na mahal ko si Cyrus, pero hindi ko kayang saktan si Mark.

Cyrus’s POV

Nandito kami ngayon sa bahay nina Andrea. Katulad ng nakasanayan naming magbabarkada, sabay sabay kaming pumapasok. Kahit na may nangyari sa amin ni Andrea hindi namin hinayaan na masira ang relationship ng barkada. Naupo ako sa likuran ng kotse dahil alam ko pag nakita niya ako sa unahan ay hindi ito sasakay.

Let’s go!” narinig ko na sabi ni Andrea. Pinagmamasdan ko siya, pagpasok niya ay agad niyang nilagay ang kanyang headphone saka nakinig ng music at pumikit. Wala akong ginawa kundi pagmasdan siya.

“Best, punta naman tayo sa park mamaya paglabas ng school” sabi niya ng hindi lumilingon. Hindi ako kumibo, akala niya siguro si Mike ang katabi niya.

 “Uy, Best, a. . .” nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata nang makita niya na ako ang katabi niya. Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya. Pumikit ulit ito. Ilang sandali lang nakita ko na may namumuong luha sa kanyang mata. Alam ko nasasaktan siya sa sitwasyon namin. Tumagilid ito at may kinuha sa kanyang bag, saka pinunasan ang luhang pabagsak na.

Nakarating na rin kami sa wakas sa school. Bumaba na kaming tatlo, napansin ko na hindi parin siya bumababa. Nakatulala lang siya sa loob ng sasakyan. Gumilid ako, binukas ang pinto sa banda niya saka ko kinuha ang kanyang kamay para makalabas siya.

Napatingin siya sa akin, ganon din ako. Nagkatitigan kami. Bigla siyang napatingin sa may likuran ko saka nagmamadaling pumunta sa harapan ko. Tiningnan ko kung bakit, nakita ko na paparating si Mark. Nakuyom ko ang aking mga kamao, if not with this bastard sana masaya kami ni Andrea. Nakita ko na hinila niya si Andrea, at akmang uundayan ako ng suntok ngunit pinigilan ni Andrea.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon