Chapter 30 : Andrea’s Date
Mike’s POV
Excited akong nag-impake ng mga gamit ko. Ngayon lang ako makakapag-abroad dahil ayaw kong iwan si Andrea na nag-iisa. Kaya kahit anong pilit nina Mama na sa London ako mag-aral ay hindi nila ako napilit.
Ganon ako kaattached kay Andrea, kaya nga hindi rin naiwasan ng puso ko na mahalin siya ng patago. Pero that was before, dahil ngayon may nagmamay-ari na ng puso ko. Mahal na mahal ko si Michelle. Buti nalang maunawain ang girlfriend ko dahil pumayag siya sa pag-alis ko.
Kring…kring…kring…
“Hello, sweetheart” speaking of my lovely girlfriend.
“Ok na ba ang mga dadalhin mo sweetheart?” tanong niya sa akin.
“Everything is in place na sweetheart. Bakit ang aga mong nagising ngayon? Something in mind?” pagbibiro ko sa kanya.
“Nothing sweetheart. Just want to check on you. Alam ko naman na malilimutin ka na eh. Ang bata bata mo pa nga lang nag-uulyanin ka na? saka ito tumawa ng malakas.
“Ah, ganon. Mahal mo naman kaya ok lang. Daan ako dyan bago kami umalis ha”
“Naku, huwag na sweetheart baka hindi na kita paalisin eh. Basta pagdating mo dun tawagan mo ako kaagad ha?”
“Ok sige ikaw ang bahala. I’m gonna miss you sweetheart. Pagbalik ko prepare yourself ha?”
“And why should I? I’ll miss you, too, sweetheart”
“Of course, I’m gonna propose to you when I got back. Promise me na hindi ka titingin sa mga lalaki ha. Ako lang dapat. I love you sweetheart”
“Ikaw din. No girls allowed. Si Andrea lang ok, or else lagot ka pag-uwi mo. I love you too. Ingat kayo dun ha. And don’t forget yung pinabibigay ko kay Bestfriend Andy”
“Opo. Ingat ka din lagi sweetheart. Got to go nandito na ang magugulo. Love you again sweetheart” hinintay ko lang na inend nya yung call bago ko itinabi ang cellphone.
“I love you again sweetheart!” nakangising panggagaya ni Ken sa akin.
“D*mn you bro!” saka ko siya hinampas ng jacket ko. Baliw lang eh.
“Ang aga aga nag-aasaran na kayo dyan. Huwag ko lang mababalitaan na mag-aaway away kayo dun ha, kundi papauwiin ko kayo dito” si Mama. Kahit kailan panira ng moment.
“Si Cyrus nalang pauwiin nyo Tita” si Ken saka inakbayan si Mama.
“Anong ako? Siya na lang Tita” sabay turo kay Ken “kabait ko kaya di ba Tita” saka ito nagpacute kay Mama.
“Hmm, tigilan nyo nga ako. Pakabait kayo dun ok?”
“Opo. Alis na kami Mama. Tatawag nalang po ako kapag nakarating na kami dun” pagpapaalam ko kay Mama. Saka na kami nagpahatid kay Manong Lito.
“Ano na kayang hitsura ni Andrea?” out of the blue na tanong ni Cyrus na ikinatingin namin ni Ken.
“Tao syempre. Kailan ba nagmukhang hayop si Andrea?” nakangising sabi ni Ken.
“Baliw! What I’m saying is lalo siguro siyang gumanda noh?” nakangising sabi ni Cyrus sa amin.
“Manyak! Look at him Mike. He’s kinda annoying when he smile like that” si Ken.
BINABASA MO ANG
I'll Never Get Over You (Completed)
RomanceAnong gagawin mo kung ang babaeng pinakaiibig mo ay mahal ng kapatid mo? Hahayaan mo ba siyang mapunta sa kapatid mo o ipaglalaban mo ito? Let's find out in this kilig love story of two siblings who's fighting for their love with the same woman. . .