Epilogue

1K 19 6
                                    

Epilogue

Maraming bagay sa mundo ang hindi inaasahan na darating sa buhay ng tao. Gaano man ito kagaan o kabigat basta’t nandyan ang suporta ng barkada ay malalagpasan mo at mahaharap mo ng puno ng pag-asa.

At sa bawat pag-ibig, kailangan nating iexpect ang mga bagay na magbibigay sa atin ng kasiyahan at kalungkutan. Yun bang tipo ng sakit na kailanman ayaw nating maranasan ngunit kinakailangang dumating sa buhay natin bilang paghahanda sa mas higit pang masakit at malaking pagsubok sa buhay natin?

Katulad na lamang ng kay Cyrus. Ilang taon niyang inalagaan ang pag-ibig na mayroon siya sa kanyang bestfriend at first girlfriend na si Andrea. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kinailangan nyang umalis upang alagaan ang kanyang kakambal na sa bandang huli ay naging karibal niya pa sa nag-iisang babaeng nagpapasya sa buhay nya at naging sentro ng lahat lahat sa kanya.

Nakakalungkot isipin na minsan kung sino pa ang hindi mo inaasahang manakit sa iyo ay siya pang magiging sanhi ng kapaitan sa buhay mo.

Cyrus’s POV

Kumusta na kaya si Andrea. Ano kaya ang naging reaction nya nung dumating siya na wala na ako dun? Sana ok naman dahil ayaw ko sa lahat ang nag-aalala siya para sa aking kapakanan. I really miss my girl. I really miss everything about her. It’s been a year since the last time I saw her and yet nandito ako hindi pa rin makaget over sa pain na nararamdaman ko.

Kring…kring…kring…

Hello? Who’s on the line please?” nagtatakang tanong ko sa kabilang linya.

It’s me Ken. Kumusta ka na bro?” tanong ng nasa kabilang linya

I’m good bro. How’s everybody?”

“They are all good. Andrea is also fine, bro. She’ll soon deliver their first baby. Aren’t you going back home?” tanong ni Ken. Nagulat ako sa sinabi nito. Si Andrea ay buntis at malapit ng manganak. Lalo akong nalungkot sa aking narinig. Kailan kaya ito manganganak? Ano kaya ang magiging anak nila. Excited na ako ngunit may halong lungkot parin na nararamdaman.

Hey, bro. Are you still there?” nag-aalalang tanong ni Ken sa kabilang linya. 

Yeah, I’m ok. Excited na akong makita ang pamangkin ko sa kanya. Ano ba ang magiging anak nila ni Mark?” tanong ko para hindi makahalata si Ken na nasasaktan ako.

Lalaki, bro. Yun ang finding ng ob-gyne nya. Kailan ka ba uuwi baka maabutan mo pa ang panganganak niya?” tanong din ni Ken sa akin. Kailangan ko talagang umuwi kahit naman kasi iburo ko ang sarili ko dito kasama sina tito Louis wala pa ring mangyayari. 

I’ll be there in a day or two, bro. Don’t let them know about my plan. I wanted to surprise them ok?” after ng mahaba habang pagkukumustahan ay nagpaalam na kami sa isa’t isa.

Siguro ang saya saya nila Andrea at Mark ngayon. Ako kaya? Kailan kaya ako magiging masaya? Kailan ko kaya makikita ang katulad ni Andrea?

Hay, ang buhay nga naman noh, kung kailan mo itinuturo ang taong magpapasaya at magbibigay kulay sa buhay mo saka naman hindi pwedeng mangyari. Bakit ba minsan napaka-unfair ng tadhana kung kailan ka masaya saka naman siya gagawa ng ikasasakit ng damdamin mo.

Sa muli kaya naming pagkikita ni Andrea ay makakaramdam pa kaya ako ng sakit? Bakit ba kasi napakahirap kalimutan ng isang Andrea Marie Rodriguez? Bakit ba kasi ibinuhos ko sa kanya ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya? Bakit ba kasi of all people ako pa ang hindi itinadhana sa kanya?

Ang daming bakit na gumugulo sa isipan ko na hindi ko mahanapan ng kasagutan. Oo hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin si Andrea ngunit sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya kahit paano ay natanggap ko na na talagang wala na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon