Chapter 27 : Truth Really Hurts

547 10 0
                                    

Chapter 27 : Truth Really Hurts

After 2 weeks. . .

Cyrus’s POV

Bakit kaya hanggang ngayon wala pa rin si Andrea? Kailan ba ito darating or dumating na at ayaw lang magpakita sa akin? Mapuntahan na nga lang sa kanila. Dali dali akong bumaba para puntahan si Andrea sa kanila ngunit nakita ako ni Mama. 

Cyrus, san ka pupunta?” tanong ni Mama sa akin.

Sa bahay nila Andrea, Ma. Bakit po?”

“Alam mo ba kung saan nagpunta si Mark?”

“Ho? Anong saan nagpunta?”

“Nagpunta kasi ako sa condo niya wala siya dun, pati mga gamit niya wala din eh, kaya I’m asking you' if you know where he is”

“Hindi po, Ma. Hindi naman po nagtetext sa akin si Mark simula nung nagkagulo kami nila Andrea” nakakapagtaka. Saan naman kaya nagpunta iyon. Hanggang ngayon ba nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa aming tatlo at kinailangan nya pang lumayo? Nang biglang tumunog ang cellphone ni Mama. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya ng makita ang registered caller.

Bakit, Ma? Sino iyan?”

“International call. Sino naman kaya ito?” saka niya sinagot ang tawag. Nakikinig lang ako sa usapan ng ikagulat ko kung sino ang kanyang caller.

Mark, ikaw pala. Asan ka? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?” tanong ni Mama.

Kailangan ba talagang gawin iyan anak? Alam kong hanggang ngayon mahal mo pa rin si Andrea pero hindi ka na dapat pang umalis” si Mama ulit. Nakita niya ang gulat sa mukha ko kaya niloud speaker niya ang kanyang cp.

Ma, hindi magiging si Kuya at si Andrea hanggat nandyan ako. Mas maganda ng ako nalang po ang umiwas. Malay nyo po pag-uwi ko wala na ang sakit na nararamdaman ko di ba?” ako pala talaga ang dahilan. Sorry Mark kundi dahil sa akin hindi ka masasaktan ng ganyan.

Ok ka lang ba dyan? Saan ka mag-aaral?” si Mama.

Regent’s University po Mama. Dito ko na po tatapusin ang pag-aaral ko. May dorm naman po inside the campus kaya po sure na safe po lahat ng student dito. Just take care always po, ok?” paliwanag ni Mark.

Ok sige, basta kapag kailangan mo ng makakausap just call me ok, para mapuntahan kita dyan” 

“Opo. Paano Ma, I’ll hang up na po. See you soon. God bless po sa lahat” pagpapaalam ni Mark. Nakita ko na may luhang kumawala sa mga mata ni Mama.

Ma, are you ok?”

“Yes. Hindi maalis sa isip ko kung bakit kailangan pang mangyari ng lahat ng mga bagay na ito. Nakita kita before na nasaktan at ngayon si Mark naman” si Mama

Kapalaran siguro namin ito Mama. Hindi lang si Mark ang nasasaktan  maging kami ni Andrea ay nasasaktan din. Maraming bagay ang dapat isakripisyo para sa kaligayahan ng bawat isa at sinakripisyo ni Andrea ang sarili niya para hindi kami masaktan ni Mark”

“Sana makatulong sa kapatid mo ang surrounding sa ibang bansa para hindi na siya masaktan pa. Mahal na mahal ko kayo mga anak kaya ayaw ko na may nasasaktan isa man sa inyo. Hindi ko naman sinisisi si Andrea alam kong maging siya ay higit na nahihirapan sa sitwasyong mayroon kayo. Napakabait ng batang iyong kaya siguro ang sarili niya ang isinakripisyo niya huwag lang kayong masaktan na dalawa. Sige na anak, lumakad ka na” si Mama. Habang daan ay naiisip ko ang ginawang hakbang ni Mark.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon