Chapter 50 : Life Without You

407 7 1
                                    

Chapter 50 : Life Without You

Cyrus’s POV

Ang daming bagay sa buhay na kinakailangang tanggapin kahit na labag sa puso’t isipan ng isang tao. Tulad ako kailangan kong tanggapin na kahit kailan hinding hindi ko makukuha ang puso ng isang Andrea Marie Rodriguez dahil ito ay pagmamay-ari na ng isang Mark Santiago, na nagkataon na kapatid ko pa.

Oo napakahirap tanggapin ng katotohanan ngunit kailangan ng pakawalan ang pagmamahal na mayroon tayo para sa kanila dahil kung hindi habang buhay ay magiging miserable ang buhay mo. Ngayon heto kami, pauwi na sa Pilipinas. After 2 years ng pag-istay namin sa bansang ito ay makakauwi na din kami sa wakas.

Nilingon ko ang aking paligid bilang pamamaalam sa lugar na ito na naging saksi ng mga lungkot at saya na naranasan ko sa buhay pag-ibig na mayroon ako para kay Andrea. Nang mapahinto ako dahil nakita ko na naghaharutan sina Andrea at Mark habang kami ay naghihintay sa waiting area.

Napakasaya niya. Never a day na nakitaan ko siya na naging malungkot sa tuwing kasama niya ang aking kapatid. Marahil ito na talaga ang kanyang destiny. Ako kaya kailan ko matatagpuan ang isang tulad niya?

Sweetheart, are you ok?” tanong ni Andrea sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila sa akin. Tiningnan ko siya at saka ko nginitian para hindi nila mahalata na nasasaktan pa rin ako sa mga nangyari sa akin.

Yap, I’m ok. Bakit mo naman naitanong sweetheart?” pagmamaang maangang tanong ko sa kanya. 

Hay,naku bro I think you’re out of this world. Ang layo na yata ng nilalakbay ng diwa mo?” pahayag ni Mike. 

Naku hindi naman bro. Naiisip ko lang ang mga memories na maiiwan natin dito. Nakakamiss kaya noh”

“Yun lang nga kaya ang namimiss mo?” nakangising tanong ni Ken habang sinusundan ng tingin sina Andrea at Mark na naghaharutan. Nang mapansin kasi ni Andrea na palapit sina Ken ay umalis na rin ito kaagad sa tabi ko.

Of course ang dami kayang nangyari sa akin sa bansang ito. I don’t know how to start a new life without her around me. Lalo na ngayon at hindi na magiging madalas ang pagkikita namin ni Andrea. From what I heard kasi pinag-uusapan na nila ang kanilang kasal. Although tanggap ko na ang sitwasyon ko pero syempre hindi agad maiaalis ang pagmamahal ko para sa kanya” paliwanag ko.

Mahahanap mo rin ang para sa iyo bro” si Mike

Oo nga naman bro, tingnan mo ako, hindi ko inakala na matatagpuan ko ang isang tulad ni Alice. Alam nyo naman na umikot din ang mundo ko sa pagmamahal na mayroon ako para kay Andrea di ba. But now I’m so happy with my girlfriend” masayang pahayag ni Ken. Sana sooner matagpuan ko na rin ang babaeng magpapasaya sa buhay ko.

Kuya, tara na. Ok ka lang ba?” tanong ni Mark sa akin.

Yes, ok lang ako. Mark alagaan mong mabuti si Andrea ah. Mahal na mahal ko iyan kaya sana pag-ingatan mo syang palagi” nakangiting pahayag ko kay Mark.

Makakaasa ka Kuya. Don’t worry hindi na mauulit ang nangyari before”nakangiting sabi nito sa akin.

Thank you, bro. I know you’ll do anything for her. And thanks a lot too, dahil pinatawad mo pa rin ako sa lahat ng mga ginawa kong pagkakasala sa inyong dalawa. I’m so happy to both of you. Let’s go baka hinahanap na nila tayo dun” pag-aaya ko sa kanya saka na kami nagdiretso sa kanya kanya naming seats. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagtake off ng airplane na sinasakyan namin.

Alam kong pagtuntong ng mga paa namin sa Pilipinas ay ang pagdistansya ni Andrea sa akin, dahil in less than a month ay matatali na ito at magiging sister-in-law ko na siya. Napakasakit talaga kaya lang ano bang magagawa ko kundi tanggapin ang tadhana ko.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon