Chapter 47 : Celebrations
Ken’s POV
Nakakainis paano nagawa ni Mark kay Andrea ang bagay na iyon. Of all people siya ang least expected na gumawa ng ganon dahil nakita namin kung gaano niya kamahal si Andrea. Tapos, all of a sudden malalaman nalang namin na may ibang babae ito. Nakakapuzzle naman talaga kung paano nangyari iyon.
Si Andrea naman simula nung nangyari iyon ni minsan hindi namin nakita na lumuha ito. Alam ko na nagpapakatatag ito para lang hindi namin ito kaawaan. Kinikimkim nya lang ang sakit nang nararamdaman niya. Ni ayaw niyang ishare sa amin.
Nakakainis, baka magkasakit pa ito sa ginagawa niyang pagtatago nang tunay niyang nararamdaman ah. Sana one of this days tawagan niya nalang ako para magconfide. Ayokong nakikita na nasasaktan ito, ngunit anong gagawin ko kung pilit niyang tinatago ang sarili niya sa amin.
“Hi, babe. How is she?” tanong ko kay Alice.
“She never wants to come out no matter what I do. I know she’s hurting” malungkot na sabi nito sa akin.
“Bessy, come here quick” sigaw ni Andrea. Nasa kwarto niya ito at nakaharap daw sa computer. Bakit kaya ito sumisigaw?
“What’s with you” tanong ni Alice pagkadating namin sa kwarto niya. Tinuro niya ang computer at nakita namin ang pangalan niya na nasa number one place.
“What about that?” takang tanong ko sa kanya.
“Baliw lang dear. I got the first spot in our board exam” nagsisigaw na pahayag nito. Ay oo nga pala ngayon lalabas ang result ng board exam namin.
“Wow, dear. Congratulations. I’m so proud of you” nakangiting pahayag ko sa kanya saka namin siya niyakap ni Alice.
“Thanks to both of you. Let’s see Patrick’s name” search lang ng search and presto si Patrick din ay pumasa. Next na tiningnan namin si Lee, ayun pumasa din. Ganon din ang kay Alice, Mike, ako, si Cyrus at si Mark. Wow lahat kami pumasa sa board exam. Another accomplishment na naman ang nakuha namin. Talagang ready na kami to work sa mga finest company all over the world. Malamang ang mauunang mahire sa amin ay si Andrea.
“Congrats sa inyong dalawa. Thanks God at walang bumagsak isa man sa atin. Now here we are world, we are ready to conquer you” sigaw ni Andrea. Syempre pati kami ng girlfriend ko ay nakikisigaw na din. Aba masaya kami sa pagpasa namin noh. Pinagtetext na namin ang buong barkada to announce the good news. After 10 minutes lahat sila ay nagsidatingan na.
“Wow, congrats sa ating lahat” masayang sigawan ng lahat.
“This calls for a celebration” sigaw ni Patrick saka na kami nagtungo sa kanyang van at nagpunta sa favorite tambayan namin. Bumabaha ng food syempre sagot ng lahat, nagshare share lahat para madaming food.
“I never thought na makakapasa tayo sa hirap ng exam na iyon” pahayag ni Mike.
“Thanks God and he let Andrea to be with us during those dreadful days” nakangiting sabi ni Lee.
“Waah, maka-dreadful ka Lee wagas” nakangising sabi ni Andrea kay Lee saka kami nagsipagtawanan. Hay, sa wakas we are now license to work as engineers. Sana maraming mga offers na mataas ang salary para naman makapag give back kami sa aming parents.
“Let’s get going” sabay sabay na sigaw ng lahat. Nagpaalam saglit si Andrea at nagpalit ng damit. Pagbaba niya lahat ay nakatingin sa kanya. Wow, kahit na simpleng damit lang ang ganda niya pa ring tingnan. Nakakainlove talaga. Sana one day maging masaya na ito.
BINABASA MO ANG
I'll Never Get Over You (Completed)
Roman d'amourAnong gagawin mo kung ang babaeng pinakaiibig mo ay mahal ng kapatid mo? Hahayaan mo ba siyang mapunta sa kapatid mo o ipaglalaban mo ito? Let's find out in this kilig love story of two siblings who's fighting for their love with the same woman. . .