Chapter 21 : Bad News. . . .

670 7 0
                                    

Chapter 21 : Bad News

Hi, Miss Andrea, kumusta po?” tanong sa akin ng isang estudyante.

Hi! Ok naman, ikaw? Anong name mo?”

“Bea Gutierrez po. Pwede po ba kitang maging kaibigan?”

“Sure. It’s my pleasure. See you around ha?”

“Sige po. Pwede ko po bang makuha ang number ninyo? Idol po kasi kita. Para po maniwala po si Kuya na friend na po tayo, please?”

“Sure, akin na ang cp mo at idadial ko” inabot nga sa akin ni Bea ang kanyang cellphone saka ko inilagay ang aking number. Saka ko siya inaya na magpicture kami together para mas maniwala ang kuya niya. Natuwa naman ang dalaga at nakangiting umalis.

Naglalakad na ako papunta sa tambayan nang may nakita akong commotion at isang babae na umiiyak. Nagtaka ako, ano kaya ang nangyayari sa kanila.

Cyrus, I’m pregnant! Ikaw ang ama nito! Bakit ayaw mo akong paniwalaan! Bakit?” sigaw ng babae kay Cyrus.

Nanghina ako sa narinig ko. Si Cyrus nabuntis niya ang babaeng iyon. Bago pa man nila ako makita ay nagtatakbo na ako palayo sa tambayan. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. Namalayan ko nalang na nandito na pala ako sa parke kung saan naging saksi ng lahat ng sakit at kabiguang nararamdaman ko.

Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh………

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh………

Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa napagod ako at parang nauupos na kandila na napaupo sa damuhan.

Third Person’s POV

Nandito ako sa harap ng St. Mary’s University. Hmp, bakit? Dahil lang naman sa magaling kong kapatid.

Kring. . . kring. . . kring. . .

Hello!”  as usual ang kapatid ko ang tumatawag. Kukulitin na naman ako nito tungkol sa isang Andrea Marie Rodriguez.

Kuya, puntahan mo ako ngayon na dito sa school”

“Bakit na naman?” naiirita kong tanong sa kanya.

Basta. Make it fast ok?” saka niya inend ang call. Hindi na niya hinintay ang sagot ko basta nalang pinatay ang cp. Batang ito talaga, sobrang bastos.

Kuya, let’s go. Hanapin natin si Ate Andrea. Nakita kong luhaang nagtatakbo eh. Bilisan mo baka ano pang mangyari sa kanya” nagulat ako sa biglang nagsalita. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang kapatid ko. At ngayon ko lang nakita na ganito kaalala ang kapatid kong ito. Wala na akong nagawa kundi paandarin ang sasakyan at hanapin ang Andrea na tinutukoy niya.

Walang ginawa ang kapatid ko kundi tumingin sa paligid, nagbabakasali na makita niya ang hinahanap niya.

Kuya, ayun siya. Si Ate Andrea iyon”

“Asan?” nakakunot noo kong tanong sa kanya.

Sundan mo lang yang babaeng tumatakbo. Si Ate yan”

Sinundan ko ang babaeng tinutukoy ni Bea. Huminto ito sa parke saka nagsisigaw.

Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh………

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh………

Hininto ko ang sasakyan saka namin siya pinanood. Siguro sobrang sakit ang nararamdaman niya kaya siya sigaw ng sigaw. Napansin ko na huminto siya sa pagsigaw at nanghihinang umupo sa damuhan.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon