Chapter 18 : Foundation Day

718 10 0
                                    

Chapter 18 : Foundation Day

Mark's POV

"Hay, salamat makikita ko na si Andrea. 3 days nalang. Miss na miss ko na talaga siya. Napakabusy kasi niya. Siya ang naatasan na mag asikaso ng mga events. Tiyak napakaganda ng kinalabasan nito. Maabutan ko pa ang closing party sa Friday."

Asar naman kasi eh natapat pa na contest ang Foundation Day namin. Kumusta na kaya siya, matext nga.

To: Mahal ko

         Mahal ko, musta ka na? Huwag kang masyadong magpagod ha?

Sending . . . . . 

Sending . . . . . 

Sending . . . . . 

Sent!

Sa wakas nagsent na rin.

tot. . . .tot . . . tot. . . . tot. . . .

1Message recieved

Mahal ko:

     " Ok naman ako, mahal ko. Hindi ko maenjoy yung foundation natin, ako kasi nangunguha ng winners eh. Kailan ka ba uuwi?"

    "Friday pa eh. Hindi man kasi agad sinimulan yung ibang event. Nagpapahinga ka ha? wag masyadong nagpapagod okey? Love you!"

   "Ok cge, galingan mo ha? Love you, too!"

Andrea's POV

1Message recieved

From: Mahal ko

        Mahal ko, musta ka na? Huwag kang masyadong magpagod ha?

Napakalambing talaga ng bf kong ito, parehong pareho talaga sila ni Cyrus. . . . 

"Hay naku, bakit ba palaging kong naiisip ang lalaking iyon...

Erase . . . . erase . . . . erase . . . . . 

" Ok naman ako, mahal ko. Hindi ko maenjoy yung foundation natin, ako kasi nangunguha ng winners eh. Kailan ka ba uuwi?" text ko ulet sa kanya.

    "Friday pa eh. Hindi man kasi agad sinimulan yung ibang event. Nagpapahinga ka ha? wag masyadong nagpapagod okey? Love you!" reply nya sakin. Bakit dati ang dali dali lang para sakin na replyan siya ng ILOVEYOU pero bakit ngayon parang nahihirapan ako. Napakagulo talaga ng isipan ko ngayon. . . 

  "Ok cge, galingan mo ha? Love you, too!"

Pagkareply ko nagsimula na ulet akong maglakad. Dumiretso ako sa canteen at namili ng pagkain. Magbabayad na sana ako nang biglang may nagbayad ng binili ko. Nilingon ko kung sino kaso yun pang dahilan nang magulo kong isipan ang siyang nakita ko.

"Ako na po ang magbabayad ng binili niya ate."  sabi niya sa tindera.

Tinabi ko na ang pera ko at dali dali akong umalis ng canteen. Nagpunta ako sa tambayan namin at naupo. Habang kumakain ay nakatingin ako sa mga naglalaro ng soccer. Nang bigla nalang may umupo sa tabi ko. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa panonood ng mga manlalaro.

Tahimik lang akong nanonood, maging ang katabi ko ay hindi rin kumikibo.

"Bagay talaga sila noh?" sabi ni Girl 1

"Ou nga, they are perfect talaga. Kawawa naman si Mark." Girl2

"Kahaba naman ng hair ni Andrea, may Mark na siya, may Cyrus pang naghahabol sa kanya. Complete package kasi siya eh." Girl3

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon