Chapter 26 : Ang Desisyon

630 10 0
                                    

Chapter 26 : Ang Desisyon

Mike’s POV

Salamat naman at kumpleto ang barkada namin ngayon. Si Cyrus, Ken, Andrea at ako. Nandito kaming lahat sa tambayan ng biglang dumating si Aileen.

Andrea, about yesterday, I’m sorry. I promise hindi ko na guguluhin si Cyrus” hinging paumanhin ni Aileen kay Andrea.

Wala sa akin iyon. Naramdaman ko din before ang nararamdaman mo, but I will not waste time doing silly things just to get the man I love. Just wait for the right time, malay mo kayo pa rin talaga ni Cyrus in the end di ba?” nakangiting pahayag ni Andrea. It seems na talagang wala nang pag-asapang magkabalikan ang dalawang ito. And for sure ang iniisip ni Andrea is si Mark.

I don’t think so, sa tingin ko kahit ilang libong Aileen pa ang dumating sa buhay niya hindi pa rin mawawala ang isang Andrea sa puso niya. Masaya na akong hindi ninyo pinatulan ang kabaliwan ko. Again I’m sorry” pahayag niya saka na ito umalis.

Wala ng kumibo pa sa aming magbabarkada simula ng umalis si Aileen. Hindi maipinta ang mukha ng bawat isa sa kanila. Ano kayang lumilipad sa isip ng mga ito?

Mmm, best, mag-outing naman tayo next week. Summer vacation na di ba? Balik tayo sa dati”  pagbasag ko sa katahimikan ng lahat.

Best, I’m sorry ha, gustuhin ko man pero hindi pwede eh” si Andrea.

Bakit naman, dear? Kung kailan kumpleto tayo saka naman hindi ka pwede” malungkot na pahayag ni Ken.

Ako ba ang dahilan Sweetheart?” si Cyrus.

I’ll be leaving on Monday. Pinapaattend ako ni Miss Paras sa isang International Competition, malay ninyo makuha ko iyon eh di mas malaki ang karangalan na makukuha ng school natin” nakangiting pahayag ni Andrea. Alam ko may iba pang dahilan kung bakit ayaw niyang sumama sa amin. Partly tama ang sinabi ni Cyrus, pero alam ko na hindi ito magsasalita regarding that issues. Sana lang matapos na ang lahat ng ito para back to normal na.

Are you sure?”  si Cyrus.

Yap. Let’s just enjoy each other’s company. Two weeks din akong mawawala in case you don’t know.  Any suggestion na mapupuntahan later after class?” si Andrea.

Malling tayo, what about that?”  si Ken

Sagot mo ako Ken ha, madami nang nagastos sa akin si bestfriend Mike kaya ikaw naman (insert smile)” baling ni Andrea kay Ken.

Not a problem basta ikaw” nakangiting sagot ni Ken.

By the way, Best, may essay ka na ba para mamaya kay Prof. Cruz?” tanong ko kay Andrea.

Naman, ako pa. Always ready ako noh, ikaw ba?”

“Meron na rin, how about the two of you?” tanong ko kay Ken at Cyrus.

Wala pa ako, siguro naman makakagawa din ako ng on the spot mamaya di ba?” si Cyrus.

That’s for sure ang dami mo pa naman gustong sabihin sa pinakaimportanteng babae sa buhay mo, di ba?” nakangising sabi ni Ken dito sabay kindat kaw Andrea. Pinagmasdan ko ang reaksiyon ni Andrea ngunit wala akong makitang kahit ano mula sa kanya. Nakangiti lang siya habang nagbabasa.

Bago saan saan pa mapunta ang usapan ay agad ko na itong iniba. Binalingan ko si Andrea saka ko kinuha ang kanyang mga kamay. Tumingin siya sa akin at nagtatakang nagtanong. . .

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon