Chapter 42 : Gradution Day/Marriage Proposal

490 5 0
                                    

Chapter 42 : Gradution Day/Marriage Proposal

Mike’s POV

Ding…dong…ding…dong…

“Dear, pakisuyo ang pinto please?” sigaw ni Andrea.

Mike, ikaw na ang magbukas, nandito pa ako sa c.r.” sigaw naman ni Ken sa akin.

Ako nalang ang magbubukas. Dalian ninyo ang pag-aayos ninyo baka malate tayo sa ceremony at hindi pa natin makuha ang diploma natin” sabi ko sa kanila.

Ding…dong…ding…dong…

Pagkababa ko ay agad kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng makita ko ang mga mahahalagang tao sa buhay naming apat.

Surprise!!!” sabay-sabay na sabi ng mga parents namin nina Ken at Cyrus. Nandito din si Ate Jasmine. Lahat sila nandito para lang mapanood ang aming pagtatapos. Nakakatouch naman noh, mahal na mahal talaga kami ng mga ito. At sa isa pang pagkakataon heto silang lahat at kumpleto ulet para sa aming apat.

Best, sino ang bisita natin?” sigaw ni Andrea.

Don’t tell her that we’re here. We wanna surprise her” sabi ni Mama sa akin.

Wala, best nagkamali lang ng bahay na pinasukan” nakangising sabi ko saka ako binatukan ni Mama.

Ah okey. Lumabas na ba yung dalawang baliw dyan?” sigaw ni Andrea ulet.

Dear, sinong baliw? Hindi ako ah, si Cyrus lang iyon” sigaw ni Ken saka siya tumawa ng malakas.

Baliw ka dyan. Hindi ako baliw noh, kay Andrea lang ako nababaliw” sa tingin ko nakangisi ang lokong iyon.

Anong sabi mo sweetheart?” si Andrea. 

Wala, sabi ko si Mark lang ang baliw na baliw sa iyo” si Cyrus. Sina Mama tawa lang ng tawa sa palitan ng salita tatlo.

Ganyan ba kayo dito, Mike?” si Tita Anna, mama ni Ken.

Opo,Tita, kaya mamimiss namin talaga  itong ganito” nakangiting sabi ko dito.

Kumusta naman si Cyrus?” si Tita Carla ang mama naman ni Cyrus.

Naku, Tita, don’t worry about him. Finally natanggap niya na talagang hindi sila ni Andrea para sa isa’t isa”

“Mabuti naman kung ganon. Kasi dinamdam niya ang pag-alis namin before kaya akala ko mahihirapan siya this time knowing na si Mark na ang mahal ng babaeng pinakaiibig niya”

“Nagheart to heart talk po sila ni Andrea, tapos sila namang magkapatid ganon din, kaya hindi na siya gaanong nasaktan. Sa una opo, napansin namin ang paghihirap niya pero wala naman siyang choice kundi tanggapin nalang po ang tadhana niya. Bandang huli ginive up nya rin si Andrea para maging masaya na ito” paliwanag ko kay Tita Carla.

Mabuti naman kung ganon. One day matatagpuan niya rin ang para sa kanya” si Tita Carla.

Naku, Mare, malalagpasan din ni Cyrus iyan. Tingnan mo nga si Ken, nagawa niya” si Tita Anna.

Ay, akala ko si Mike lang ang nagkagusto kay Andrea, si Ken din pala” nakangising sabi ni Mama.

Mama, naman eh. Ibuking daw ba ang sekreto ko” pambibiro ko kay Mama.

Naku, kaya pala close na close kayong tatlo eh, iisa lang pala ang taste ninyo. Sabagay lovable naman talaga si Andrea. She’s a complete package para maging girlfriend” sabat ni Ate Jasmine.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon