Chapter 31 : The Exchange Students

523 7 0
                                    

Chapter 31 : The Exchange Students

Ken’s POV

 “Hey, ano ba napakatagal nyo naman. Baka malate tayo sa klase natin noh. This is our first day so make a good impression not a bad one” asar na sabi ko sa kay Mike at Cyrus.

I’m done. Let’s go” sabay na sabi ng dalawa.

Nagkakandahaba ang aming mga leeg sa paglalakad dahil sa pagbabaka sakali na makita namin si Andrea. Ngunit hindi namin ito nakita hanggang sa makarating kami sa aming classroom. Lahat ng mga classmates namin ay nakatingin sa amin.

Nakita mo na ba si Andrea?” bulong ni Mike sa akin.

Not yet. Mukhang wala siya dito eh” si Cyrus. Excited na kaming tatlo na makita si Andrea ngunit bakit wala siya dito.

Is this seat taken?” tanong ko sa isang babaeng nasa tabi ng upuang bakante.

Not yet but those two seats were for Andrea and Patrick. So you three can seat at the back” pahayag ng babaeng tinanong ko.

Thanks” saka na kami umupo sa tinuro nitong lugar. Malapit ng magsimula ang klase ngunit wala pa rin si Andrea. Hindi ba namin ito classmates? Nang biglang may pumasok na isang babae na mukhang may kausap.

Nakita ko ang pagpasok ni Andrea habang nakaakbay sa isang lalaki. Nagdire-diretso ito sa kanilang upuan habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasama nito. Tiningnan ko ang reaksyon ni Cyrus, at as usual nakasimangot ito.

Miss Andrea, you are so lucky to have Patrick as your boyfriend. He’s a popular student in this University” masayang pahayag ng babaeng napagtanungan ko kanina.

Yes I am so lucky to have him. Anyway are you all excited for tonight’s event?” tanong niya sa mga classmates namin. Lahat naman sila ay nagsipagsigawan ng very much. Mukhang may bonding ang mga ito mamaya after class.

Ok class we have here three exchange students from the Philippines. Let them introduce themselves to all of you” saka kami tumayo sa harap at isa isang nagpakilala. Pinagmasdan ko ang reaction ni Andrea at tulad ng inaasahan ko nagulat ito ng makita sina Mike at Cyrus. Tiningnan niya ako at si Mike saka kami sinimangutan, sabi ko na nga ba at magagalit ito kapag nakita si Cyrus eh.

Three hours of continuous lesson nakakadrain naman, buti nalang at lunch break na namin. Nagsitayuan na ang mga classmates ko ng marinig ang bell saka sila nagmamadali na lumabas ng room.

Alice where do you think you’re going? We’re not yet done” natatawang sabi ni Andrea sa babaeng kasabay niyang pumasok kanina. Lumapit na ako sa kanila ng hindi nila namamalayan.

Dear, I miss you, ako ba hindi mo namiss?” tanong ko sa kanya.

Do you know them Andrea?” tanong ng babae sa kanya. Saka lumingon sa akin si Andrea nakita ko na naman ang pagsimangot nito.

Lagot kayong dalawa ni Mike sa akin mamaya. Anyway, Alice meet my bestfriends Ken Rivera, Michael Perez and that one is Cyrus Santiago, pagpapakilala niya sa amin sa mga kasama niya saka kami nakipagkamay sa dalawa.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon