Chapter 37 : Confrontation
Andrea’s POV
“Kumusta ang puso my dear?” seryosong tanong ni Ken sa akin. Napakunot noo ako sa tanong na ito ni Ken.
“Anong puso?”
“What did you feel sa sinabi ni Mark?” si Mike.
“Anong mararamdaman ko? Alam ko naman na mahal niya ako eh, hindi na ako magtataka pa dun, kaya lang ang ipinagtataka ko bakit naging ganyan siya?”
“What do you mean?” si Cyrus.
“Bakit naging war freak siya? Kanina nakita ko kung gaano siya nakipag-amok kay Patrick tapos bigla nalang niyang sinuntok si Cyrus. Aba iba na yun ah. Ayaw ko pa naman iyong ganong attitude. Tapos ni hindi man niya nagawang humingi ng sorry sa kapatid niya.” sabi ko sa kanila. Nang bigla kaming makarinig ng mahihinang katok. Nagkatinginan kaming lahat. Tumayo si Mike at binuksan ang pinto.
Nagulat kami pare-pareho ng makita namin si Mark na mukhang lasing. Agad itong nilapitan ni Cyrus. Talagang mahal na mahal niya ang kapatid na si Mark. Nakahanda niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para lang dito.
“What comes into your mind at naglasing kang ganyan bro” si Mike.
“Hindi naman ako lasing bro, nakainom lang ako” saka siya tumingin sa direksyon namin ni Cyrus. Magkatabi kasi kami dahil ginagamot ko ang sugat nito eh. Napatiim bagang ito ng makita nito na hawak ni Cyrus ang kamay ko. Diniinan ko kasi dahil nabigla ako.
“Sweetheart, ano ba ang sakit nun ah” nakasimangot na sabi ni Cyrus sa akin.
“Just want to find out kung gaano ka kagwapo kapag nasasaktan” saka ako nag peace sign sa kanya.
“Hindi lasing eh amoy na amoy ka. Grabe lang Mark ah, kailan ka pa natutong maglasing?” tanong ni Cyrus dito saka ito hinarap. Napansin ko kasi na nagpakaseryoso na ito samantalang si Mark ay nanatili lang na nakatitig sa akin.
“Kailangan bang magkaroon ng dahilan para matuto lang sa isang bagay, Kuya. Alam mo naman di ba kung bakit ako nagkakaganito. Nahihirapan na ako Kuya, mahal ko siya kaya lang sa tingin ko hindi na ako ang tinitibok ng puso niya” nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla akong napatingin sa direksyon niya. Nakita ko kung paano siya nasasaktan sa bawat kataga na lumalabas sa bibig nya ngunit patuloy niyang magpakatatag. Tumayo ako saka pumunta ng kusina at pinagtimpla ng mainit na kape si Mark para mawala ang kalasingan.
“Then, make a move Mark, wala namang mawawala sa iyo kung susubukan mo ulit di ba?” narinig kong sabi ni Cyrus sa kanya.
“Paano ka? Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon di ba? At alam kong kahit anong pilit mo na kalimutan siya hindi mo magawa” narinig kong sabi ni Mark kay Cyrus. Ewan ko pero hindi ko magawang saktan si Cyrus. Dahil lahat ng first ko siya ang nagturo sa akin. Pigil hininga kong hinintay ang sagot ni Cyrus ngunit nanatili lamang silang tahimik, hanggang sa…
“Oo, mahal na mahal ko si Andrea, Mark kaya lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya handa kong ibigay kahit na ang kapalit pa nito ay ang pagiging miserable ng buhay ko” pahayag ni Cyrus.
Nang makita nila akong palapit na ay nagsipagtayuan na ang mga ito at nagsipagpasukan na sila sa kanilang kwarto. Tiningnan ko si Cyrus, ngumiti ito sa akin at nagthumbs up ngunit makikita sa mga mata niya ang lungkot.
“Promise,sweetheart hinding hindi kita sasaktan. Ayaw kong makita ka na nasasaktan ng ganyan” bulong ko sa sarili ko saka na ako umupo sa tabi ni Mark.
![](https://img.wattpad.com/cover/9933862-288-k979219.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Never Get Over You (Completed)
Roman d'amourAnong gagawin mo kung ang babaeng pinakaiibig mo ay mahal ng kapatid mo? Hahayaan mo ba siyang mapunta sa kapatid mo o ipaglalaban mo ito? Let's find out in this kilig love story of two siblings who's fighting for their love with the same woman. . .