Chapter 53 : Spending Time With You
Mark’s POV
“Are you ok mahal koh?” nag-aalalang tanong ko kay Andrea.
“Yes I am. Hindi ko lang maiwasang mag-alala para sa kapatid mo” malungkot kong pahayag sa kanya.
“Hindi kita masisisi kung bakit ganyan nalang ang impact nang nararamdaman ni Kuya para sa iyo. Alam kong nasasaktan ka rin dahil sila ang pinakamatalik mong kaibigan. But don’t worry makakaya ni Kuya iyan, just give him some time to get over his heartache. And from what I heard, sinabi nya sa iyo na you should be happy kaya cheer up mahal ko dahil ayokong nakikitang nalulungkot ka. Huwag mo na siyang alalahanin pa ok”
“Yes, I will mahal koh. Iseset aside ko muna ang mga alalahanin ko dahil ang gusto ko is to spend some time with you. I love you mahal koh, I'll never regret my decision of marrying you dahil mahal na mahal talaga kita ng sobra sobra” nakangiting pahayag ng asawa ko sa akin.
“And I'll never regret the time na kinulit kita before because if I didn’t do that probably you wouldn’t let me into your life and I’m glad you’re with me now. I love you even more mahal ko. I know that everything that we had suffered before, the heartaches and the pains are all worth it because those things made me more in love with you” masayang tugon ko sa kanya.
“Mahal koh after this what’s our next plan?” tanong niya sa akin.
“We’ll work on our baby. What do you think?” nakangising tanong ko sa asawa ko. Napansin ko na bigla itong nagblush dahil sa sinabi ko sa kanya.
“Agad agad mahal koh? Hindi ba pwedeng magwork muna tayo and prepare for their future? At isa pa pwede ba nating pag-usapan ang ganitong bagay privately. Nakakainis ka baka may makarinig pa sa atin oh” nagbablush na sagot nito sa tanong ko.
“Mahal koh kaya ko namang pagsabayin yun noh. Para hindi na malungkot sina Kuya at mabaling na ang pansin niya sa baby natin. At isa pa ano naman kung mag-usap tayo ng tungkol dito sa ganitong lugar, mag-asawa naman tayo ah” nakangising sabi ko sa kanya saka ko siya kinidatan.
“Hmp, enough na nga ano ba ang first destination natin, pagdating natin sa London?” pag-iiba niya ng usapan.
“Mahal koh, I don’t have any idea ang alam ko lang may private place sila Patrick dun at dun tayo pupunta. Napaka-romantic daw ng place na yun and mag-eenjoy daw tayo sa view kaya let’s relax and buuin na natin si baby ok?” nakangiting sabi ko.
After nang pag-uusap naming iyon ay wala nang kumibo pa dahil pareho kaming nakatulog. Nagising nalang kami nang muling magsalita ang stewardees at sinabing maglalanding na ang eroplanong sinasakyan namin kaya naghanda na kami sa aming pagbaba.
Pagkababa namin ay may nakita kaming plackard na may name namin. Agad kaming lumapit at inalalayan kami papunta sa sasakyan na magdadala sa amin sa aming destination. After 3 hours ay nakarating na din kami sa wakas at napasinghap kami pareho sa sobrang ganda nang lugar na pinagdalhan sa amin. Napakaganda ng surrounding, nakakainlove talaga.
“Mahal koh, napakaganda naman dito. I never thought na may ganitong resort sina Patrick” manghang sabi ni Andrea sa akin.
“Oo nga. Napakasarap namang gawin ni baby dito, mahal koh. What do you think?” panunukso ko sa asawa ko.
“Baliw lang mahal koh. Iba na naman iyang nasa isip mo. Asar ka naman eh. Tara na nga sa loob at maghanda na tayo nang makakain. Nagugutom na kaya ako” nagbablush na pahayag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
I'll Never Get Over You (Completed)
RomanceAnong gagawin mo kung ang babaeng pinakaiibig mo ay mahal ng kapatid mo? Hahayaan mo ba siyang mapunta sa kapatid mo o ipaglalaban mo ito? Let's find out in this kilig love story of two siblings who's fighting for their love with the same woman. . .