Chapter 28 : Missing You

523 10 0
                                    

Chapter 28 : Missing You

Andrea’s POV

Two months na pala akong nakatira dito at nag-iisa. Namimiss ko na sina Mike at Ken. Kumusta na kaya sila? Ok lang kaya si Cyrus ngayon? Hindi ko ba siya nasaktan sa pag-alis ko? Sana naman ok na siya. Matawagan nga si Ken.

Kring. . .kring. . .kring. . .

“Hello, who’s on the line please?” tanong ni Ken

Two months palang akong wala dyan nalimutan mo na kaagad ang boses ko. Nakakapagtampo ka naman bestfriend” sabi ko sa kanya na kunwari ay nagtatampo. Nakakamiss naman kasi ang mga ito eh. Wala na akong kamuritan nung nagdesisyon akong lumayo. Sana naman naging maayos sila nung nawala ako sa tabi nila.

Dear, ikaw ba talaga iyan? Bakit ngayon ka lang tumawag? Miss na miss ka na namin. Kumusta ka na dyan?” sabi ni Ken na halatang halata ang pagkasurpresa sa tawag ko.

I’m doing good here. Marami na rin akong naging friends lalo na iyong karoom mate ko. They are all nice to me here. Kayo kumusta na kayo dyan?” nag-aalalang tanong ko kay Ken.

“Maayos naman kami dito dear, huwag mo kaming alalahanin. Mas ikaw nga ang inaalala namin baka nababaliw ka na dyan kakaisip sa amin dito eh, ha ha ha” pagbibiro niya sa akin.

Baliw ka talaga dear. Iyan ang namimiss ko sa inyo eh. Si Mike kumusta? Hindi yata kayo magkasama ngayon?”

“Magkakasama kaming tatlo ngayon dear, teka puntahan ko lang sila sa labas”

Kasama ninyo rin si Cyrus?”

“Yap. Heto si Mike oh” narinig ko na tinawag nito si Mike. Narinig ko rin ang boses ni Cyrus. Tinanong niya si Ken kung sino ang nasa phone.

Best, miss na miss na kita. Kumusta ka na?” si Mike

Ok naman ako best, ikaw kumusta ka na? Miss na miss ko na rin kayo dyan. I miss everything na ginagawa natin during summer vacation” parang nagkaroon ng bara sa lalamunan ko nung sabihin ko kay Mike ang mga katagang iyon. I really miss them a lot.

Umuwi ka na kasi, best” si Mike ulit. Saka ko narinig ang iba pa na nagsabi na umuwi na ako. Nakakalungkot lang at hindi talaga pwede dahil gusto ko pagbalik ko wala na akong nasasaktan pa.

Naku, hindi pwede best, sayang naman itong opportunity na ibinigay sa akin noh. 2 years lang naman kaya magtitiis na ako. Nga pala kumusta na si Cyrus? Ok na ba siya?” tanong ko sa kanya. Siyempre may pinagsamahan naman kami ni Cyrus kaya nag-aalala din ako sa kanya sa ginawa ko.

Just ask him ok, I’ll give him the phone” saka ito biglang nawala sa linya. Pipigilan ko sana kaya lang hindi ko na ito naabutan pa. Pero sa kabilang banda ok na rin na kausapin ko siya kaysa dun sa sulat ko lang sinabi ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko magawang sabihin ng personal. Sana naman natanggap niya na at hindi na siya galit sa akin.

“Hello, Andy, kumusta ka na?” I know it’s Cyrus. How I miss this man, sana maging magkaibigan pa rin kami after all the things that happened between us.

Ok naman ako, ikaw kumusta ka na?” tanong ko sa kanya

I’m good Andy. Salamat ha kasi hindi mo ako iniwasan kahit na ang daming nangyari between us. Masaya na ako ngayon, huwag ka ng mag-alala pa sa akin” salamat naman at nakapag-move on na ito. Iyon lang naman ang hinihintay ko eh.

Thanks Cyrus, I wish you all the best in life. Hindi man naging maganda ang mga bagay bagay sa ating dalawa alam ko na hindi ito magiging hadlang para hindi tayo maging magkaibigan”

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon