Chapter 22 : Another Day in Pain

652 8 0
                                    

Chapter 22 : Another Day in Pain

 Mark’s POV

Pagkatapos ng program ay agad bumaba si Andrea at pinuntahan ang mga kasama nito. Ipinakilala niya ito sa aming lahat.

Guys, I would like you to meet Carl Gutierrez and his sister Bea. I’m with them yesterday. Carl this is my boyfriend Mark Santiago” pagpapakilala niya sa akin sa mga kasama niya. Nakipagkamay naman ako sa lalaki  at kinorrect ang sinabi ni Andrea.

 “Her ex-boyfriend. We just broke up. May nagmamay-ari na kasi ng puso niya kaya I gave her up” nagulat si Andrea sa sinabi ko pero ang gusto kong makita ay ang reaksiyon ni Kuya. As expected nakita ko ang relief sa kanyang mga mata. 

We need to talk Andrea” sabi ko sa kanya nang mapansin ko nahindi na ito nagsalita pa kaya si Ken na ang nagpakilala sa kanilang sarili kay Carl.

I’m Mike, please to meet you. Thank you for keeping our princess safe”  nakipagkamay si Mike dito. 

Ken here, and this is Cyrus” nakipagkamay din si Ken sa kanya at maging si Kuya ngunit kakaiba ang titig na ibinigay nito kay Carl. Hindi rin niya binibitawan ang mahigpit na hawak niya sa kamay ng huli. Alam ko na naramdaman din ni Andrea ang tension sa pagitan ng dalawa  kaya tinanggal na nito ang kamay ni Cyrus kay Carl. Ngunit hinatak ni Kuya si Andrea sa tabi niya at tinitigang muli nang masama si Carl.

Ano bang problema mo at ganyan kang makatingin kay Carl?” nagtatakang tanong ni Andrea. 

Hindi kumibo si Kuya, ipinagpatuloy niya lang ang tingin niyang masama kay Carl habang hawak hawak ang kamay ni Andrea. Biglang nag-iba ang aura ni Andrea at buong lakas niyang hinila ang kamay niya at humarap kay Kuya Cyrus.

 “Teka nga, ano ba talagang  problema mo ha? Akala mo ba di ko napapansin ang ginagawa mo? Kung makatingin ka sa kaibigan ko parang gusto mong lamunin nang buhay. Sh*t naman oh!” tanong ulit ni Andrea sa kanya.

“I don’t want you to be near this d*mn man!” mariing sabi ni Kuya Cyrus. 

And who the hell are you, para utusan akong huwag lumapit sa kanya? You are just my boyfriend’s brother. Kung nga ang boyfriend ko hindi ako pinagbabawalan ikaw pa!”  naiiritang sagot ni Andrea.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Andrea. Palaban narin siya ngayon, bakit? Dahil ba sa patuloy siyang nasasaktan sa presence ni Kuya?

When I say don’t go near this godd*mn man, don’t go, is that hard to understand?”  galit na sabi ni Kuya.

At kapag sinabi kong hindi ako susunod sa gusto mo, HINDI AKO SUSUNOD! Hindi ka ba marunong umintindi o sadyang ayaw mo lang ipasok dyan sa utak mo?” si Andrea habang inis na inis kay Kuya. Saka nito binalingan si Carl “Carl just go, thanks for helping me yesterday, and by the way I’m sorry for this mess.”

“Wala iyon, Andrea. Just call or text me or my sister if you need help, ok?” nakangiting paalam nito sa kanya. Pero bago ito tuluyang lumakad palayo muli nitong tiningnan si Kuya nang naka smirk. Nakita ko ang galit sa mukha ni Kuya.

Akmang susundan nito si Carl ngunit pinigilan ito ni Andrea. “Don’t you dare, Cyrus, or else ako ang makakalaban mo” mariing sabi nito kay Kuya.

Ngunit hindi nagpapigil si Kuya. Sinundan niya si Carl at inundayan ng suntok. Hindi naman nagpatalo si Carl. Gumaganti din ito sa suntok na ibinibigay ni Kuya sa kanya. Dumarami na ang mga estudyanteng nakikiusyoso kaya pinaghiwalay na namin nina Ken ang dalawang lalaki. Ngunit ayaw talagang magpapigil ni Kuya. Hanggang sa si Andrea na ang humarang sa suntok na ibibigay sana ni Kuya buti nalang nahawakan ni Mike ang kamay ni Kuya.

I'll Never Get Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon