Chapter 3

58K 778 53
                                    

Ryan Lee Sanchez - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez - POV

Buti nalang at naka-jersey shorts ako sa loob. Tinanggal ko ang pantalon ko pero damn it, dumikit ang amoy. Anong klaseng magnet ng kamalasan ba ang meron sa pangalang Lhaine Lee Ramos? Kung hindi lang talaga dahil sa kondisyon ng mga magulang ko, hindi ko ipipilit ang sarili ko na lapitan siya eh.

"DALIAN MO!" sigaw ko ng matanaw ko na siya. Kasama niya pa iyong unang katabi niya sa bus. Tumakbo siya palapit sa akin.

"Saan tayo bibili?" tanong niya.

"I've been here before. Taxi nalang." sagot ng kasama niya.

"Ah, saan mo nilagay 'yung pantalon mo, Ryan?" tanong pa ni Lhaine habang naghihintay kami ng taxi.

"Tinapon ko na. Bakit? Gusto mo ng remembrance?"

"Hindi po," mahina pero sarcastic ang pagkasagot niya. Nanahimik nalang ako, buti at may humintong taxi.

"Relax dude, hindi naman niya sinadya," singit ng kasama niya.

"Ano ka naman nito? Knight in shining armor?" iritadong sabi ko bago sumakay sa taxi.

"HINDI! Si Brix Risaralda nga pala, classmate rin natin. Start learning names," sagot ni Lhaine. Hindi ko na sila pinansin. Sa harap ako umupo, silang dalawa, sa likuran. Ilang minuto lang mula sa pinanggalingan namin ang market. Ilang shops na ang nadaanan namin pero hindi parin ako bumili ng kahit na ano. Gusto ko rin siyang pahirapan. Alangan namang ako lang ang mag-dusa dahil sa kasalanan niya? Walang ganoon sa mundo.

"Mamili ka na ng kahit ano, please? Baka mahalatang wala tayo. Babayaran ko naman kahit anong piliin mo eh," natatarantang sabi niya. Bumalik na kasi kami sa unang shop na pinuntahan namin.

"Huwag mo akong minamadali," namili ako ng isang pantalon at pumasok sa shop para i-suot iyon. Kahit yata magpalit ako, nakatatak na ang amoy eh, parang hindi rin ako nagpalit. Damn.

Bago ako lumabas, binayaran ko na rin ang pantalon. Nasa labas silang dalawa at may kanya-kanyang hawak na tinapay. Inabutan niya ako ng isa. "Masarap daw ang empanada nila dito."

I just ignored her. Who the heck would want to eat something after earlier? Iniisip ko palang, nasusuka na ako. "Let's go," tawag ko sa dalawa.

"Manong, pa-picture naman kaming tatlo!" narinig kong sabi ng Brix sa nag-titinda. C'mon! Liningon ko ang dalawa, tinatawag ako ni Brix. Again, ignored. Nauna nalang akong maglakad at maghihintay na sana ng taxi ng may madaanan akong isang shop na nanonood ng basketball. Championship na nga pala ng NBA at paboritong team ko pa ang naglalaro. Nawala sa isip ko dahil sa Lhaine Lee na ito.

"Spurs for the win!" nasa likod ko na pala ang dalawa.

"Yeah, Spurs," sabi ko rin.

"Tara na please, panoorin niyo nalang yan sa internet!" sigaw ni Lhaine. Mukhang kabadong-kabado talaga siyang ma-late eh. Pinaghahatak niya kaming dalawa kaya sumunod narin kami. Ngayon namang pabalik, si Lhaine mag-isa ang nasa harap at dalawa kami ni Brix sa likuran. Ayos din pala itong si Brix eh, team captain at basketball fanatic.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon