Chapter 34

28.1K 338 59
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

"Balita ko ay sabay daw kayong pumasok ni Ryan?" tinabihan ako ni Brix bago magsimula ang klase.

"Chismoso ka na ba ngayon? Yup, bigla nalang siyang nagpakita sa apartment kaninang umaga para tanungin kung sino daw ba ako sa buhay niya."

"Sinagot mo ba?"

"Yup. Seatmate, study partner and almost family."

"Ito 'yung mga araw na nakakatakot ka, alam mo 'yun. You left out one important detail. You're his girlfriend, you should've said that. May initiative siya para alamin ang mga bagay na hindi niya maalala. Ano pa bang hinihintay mo?"

"Timing siguro. Ah, nabasa mo na ba 'tong librong ito?" pinakita ko sakanya ang hawak kong pocketbook.

"Tapos ko na hanggang book eight. Want some spoilers?" sagot niya na. Naramdaman niya sigurong ayaw ko ang pinag-uusapan namin. Or that I really want him to leave me alone.

"No. Thank. You!" diin ko sa bawat salita.

"Sabay na tayong umuwi mamaya Lhaine. Nag-aalala ako sa'yo, lagi nalang sumasakit 'yang ulo mo. Mamaya ay may migraine ka na pala. Libre naman dahil doktor—" hindi natapos ni Brix ang sinasabi niya dahil dumating si Brie.

"Doktor? Sino ang may sakit?" singit ni Brie.

"Wala, OA lang si Brix. Si Czar? Hindi ba kayo sabay dumating?" sagot ko kay Brie.

"I'm off, Lhaine mamaya," nagpaalam si Brix. Si Brie naman ang pumalit sa inupuan niya.

"Ang dami mo na kasing inaalala kaya hindi ko na binanggit sa'yo. Czar and Thom's not okay. Sabihin na nating nag-iinarte ang lolo mo at acting cold ang peg niya. Natatakot nga si Czar na baka may iba na raw si Thom eh."

"She needs us then. Huwag niyo na akong alalahanin. Kapag dumating si Czar mamaya, sabihin mo na labas tayo after class."

"She just texted. Hindi siya papasok at pupunta nalang daw siya sa mall," pinakita ni Brie ang phone niya. May ilang minuto pa bago magsimula ang klase at ito ang unang pagkakataon na magtatabi kami ng ilang oras. I'm really confused about what to do. Tumayo ako at binuhat ang bag ko.

"Pupuntahan ko siya Brie."

"Then I'm going too!" kinuha rin ni Brie ang bag niya. Tawa kami ng tawa nang makalayo na kami sa school.

"This is one side I never imagined I'd see."

"Kailangan tayo ni Czar. Marami na akong natanggap mula sa inyo kaya naman it's my time to give back," tugon ko. Ngumiti lang si Brie at iniba na ang usapan patungo sa latest movies, trends or songs.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon