Ryan Lee Sanchez – POV
Ang akala ng mga magulang ko ay sinundan ko si Lee pero imbes ay sa isang bar ako dumiretso. What the f*ck was that? Sinundo pa talaga siya sa bahay namin? That was cruel after everything that I said to her this morning.
"I guess I'm lucky today," may tumabi sa akin sa bar.
"Ikaw nanaman," tugon ko kay JM na nag-order agad ng martini.
"Hindi kita sinundan. We're just at the same bar at the same time."
"Yeah, I'll take your word for it."
"Parang nalugi ang itsura mo. Is it Lhaine again?"
"Mind your own business."
"I want to talk to you about Zenrid," nakuha niya ang atensiyon ko sa binanggit niyang pangalan. Hindi ko maintindihan si Lee. Ako naman ba ang maghahabol ngayon?
"Nakausap ko siya kanina. He threw a fit on how I'm wasting my time here. Nabanggit niya rin si Lhaine and they were like childhood sweethearts I guess."
"Matagal na silang magkakilala?"
"That's what Zenrid said. But I think he's just lying. Pinapaselos niya lang ako para bumalik ako sakanya."
"Why don't you just admit that you like the guy?"
"I do not. You're the one I like now."
"You're persistent and it's not cute. C'mon, lower your pride and just admit it."
"What now? He's got Lhaine so maghahanap din ako ng bago ko."
"Shut up," tumayo ako at lumipat ng upaun pero sumunod parin siya.
"I seriously did not follow you. But since we're here, can we at least talk to each other? We did that when we were stranded."
"I can't even remember that."
"Well, wala ring pagkakaiba dahil si Lhaine parin ang pinag-uusapan natin. If only you could remember. 'Till your last strength, siya parin ang sinasambit mo."
"Really..."
"This is not fun at all. Well then, nevermind—" huminto ito sa pagsasalita at nagsindi ng yosi. May tatanungin pa sana ako sakanya pero may biglang humila sakanya patayo dahilan para malaglag ang yosi at basong hawak niya.
"Kanina pa tumatawag ang dad mo. Bakit hindi ka pa umuuwi?!" sigaw ni Zenrid sakanya.
"Ikaw nanaman," hinarap ko siya. Hindi man lang niya ako pinansin.
"Kung ayaw mo raw na ipadala ka ni Tito sa nanay mo ay magpakatino ka na. Pakisabi narin kay Tito na huwag niya akong tawagan para lang tanungin kung nasaan ka. Hindi ako babysitter," malamig na sabi ni Zenrid kay JM saka umalis.
"He's really unfair. He's really serious with Lhaine? It's not like him..." namumuo na ang mga luha ni JM. Bumalik siya sa counter at nag-order ulit ng panibagong baso ng alak.
Hindi siya nagsalita at uminom lang gaya ko. This is such a complicated life. Credit card, cold cash at brand new car lang ang habol ko dati at hindi ito—it's f*cking messing my head.
Akay-akay ko si JM palabas ng bar. Mas marami akong nainom kaysa sakanya pero mukhang hindi manlang ako natamaan.
"Ako na ang maghahatid sakanya," lumitaw nanaman si Zenrid. Akala ko ba kanina pa siya umalis?
"Saan ba siya nakatira? Sasama na ako. Baka kung ano ang gawin mo sakanya."
"Kung may gawin man ako sakanya, wala ka na doon," sabi nito at hinila ng buo si JM saka pinasakay sa nag-aabang na taxi sa tabi namin.
"Kakasundo mo lang ng girlfriend mo sa bahay tapos ngayon may sinusundo ka nanamang iba?"
"Wala akong paki-alam sa opinyon mo," tugon niya lang saka sumakay sa taxi. Son of a b*tch. Anong iniisip ni Lhaine at sa g*gong ito pa siya sumasama?
Sa second subject na ako nakapasok dahil sa matinding hangover. Sa tingin ko nga ay naamoy parin mula sa akin ang alak dahil sumama agad ang itsura ni Lee nang makita niya ako.
Buong araw ay nag-iwasan kaming dalawa. Hindi ko rin alam kung ano unang sasabihin ko sakanya.
---
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...