Chapter 10

38.6K 489 38
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

Sa sumunod na araw ay ginawa kong busy ang sarili ko simula sa pag-aaral ng husto para sa quiz bee at sa pag-organize ng mga kailangan sa booth ng club para sa nalalapit sa school day. Dahil puspusan rin ang basketball practice nina Lee, hindi na kami nagsasabay pauwi. We talk at home though, just talk.

"Sabay na tayo, wala kaming practice," nag-aabang pala sa labas ng club room si Brix. Pinagtabuyan ako ng president namin doon sa loob eh, sila na raw ang bahala at dapat na nag-aaral ako.

"Walang practice? Eh di dapat nakikitulong na kayo sa loob niyan?"

"Got me," ngumisi siya bago nagtpatuloy, "May hihingiin sana akong pabor sayo."

"Pera? Wala akong pera. Ha-ha," nailang ako bigla. Baka ipaalala nanaman niya iyong tungkol sa ligaw niya. I might've been attracted to him— or better yet, attached to him before pero sa ngayon, isinasantabi ko na muna ang mga bagay na 'yun.

"Huwag kang mag-alala, hindi ito tungkol sa atin," parang nabasa niya ang isip ko, "Birthday ni Brie bukas di ba? Let's serenade her for Ray."

"Let's? Tayo?"

"Yup."

"Hindi ako marunong kumanta."

"Bluetooth, dali," linabas niya ang phone niya. Linabas ko na rin ang sa akin at binuksan ang bluethooth. Maya't-maya ay may dalawang file na dumating: LLR1 and LLR2, both MP3s. Pagka-play ko palang, narinig ko ang boses ko!

"Saan mo 'to nakuha!? Stalker!" sabi ko agad. Noong first year pa yata iyon eh. Napagtripan ko lang namang kumanta sa music room noong minsang magbalik ako ng instruments.

"This is blackmail," he sounded like an evil mastermind.

"Akala ko pamandin mabait ka," madramang sabi ko. He grinned.

"Mas magiging special ang birthday niya, don't you think. Seven bukas sa classroom. Iyong LLR2 ang kakantahin natin. Hindi na natin kailangan ng practice, basta ikaw perfect lahat. Alis na ako, baka hinahanap na ako ni coach!" iniwan nalang niya ako ng ganoon. Hindi pa nga ako nag-oo eh! But come to think of it, nakalimutan ko na birthday ni Brie bukas at wala akong na-prepare na regalo.

Habang naglalakad ako papasok sa loob ng village ay pinapakinggan ko ang 'kakantahin naming dalawa' bukas. It's a melow song, the really sweet one. Ngingit-ngiti pa ako nang may humila ng magkabilang earphones ko.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Huh? Hindi ah. Akala ko may practice kayo?"

"Just a yes or no."

"NO. Busy lang ako sa pag-aaral."

"Pag-aaral? Hindi ba dapat kasama ako diyan? Study partner remember?"

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon