Ryan Lee Sanchez – POV
Dahil sa isang importanteng bagay ay sa isang araw pa ang alis nina Ma. Nag-aala nga sila na may phobia na ako sa mga eroplano.
"Call us if you land," sinusundan ako ni Ma sa linya ng boarding area. Lingon ako ng lingon—umaasa akong magpapakita si Lhaine Lee. In case she does, I might not leave. Ginusto ko ito but something about her being so calm distrubs me.
"Are you listening to your mom?" singit ni Dad. Tinuon ko sakanila ang pansin ko.
"Opo. I'm really alright," ulit ko nanaman sakanila. Bago ako umapak sa boarding area ay lumingon ulit ako. She really did not come. Then, it's time to go. Hindi naman ako natatakot sa pagsakay sa eroplano. Siguro ay kasama nang nabaon ang takot na 'yun sa nakalimutan kong ala-ala.
Pagkaupo ko ay binuksan ko agad ang phone ko at tinignan ang litrato namin kanina. She really was lovely. "OH. MY. GOD!" umupo si JM sa tabi ko. Puno ng kolorete ang mukha niya at amoy yosi pa.
"Ikaw nanaman? Don't tell me sinundan mo ako?"
"God, no! I've been shipped off to New York—" natigil si JM sa pagsasalita dahil sa airline announcements.
"Don't look so ominous! Akala mo ikaw lang ang natatakot?" sabi nito nang matapos ang announcements.
"Relax, hindi lahat ng eroplano ay bumabagsak," sabi ko pero sa loob ay kinakabahan ako. May oras pa bang bumaba dito?!
"That jerk Zenrid, akala ko kasi sasabay siya eh!"
"Papuntang New York?"
"You see, we had a deal. Dad cutt me off and the only way I can regain the lifestlye I want is through mom. Sinumbong kasi ako ni Zenrid eh, siguro ay napagod na talaga siya sa akin. I wanted to talk to him earlier but he's with Lhaine Lee. Yes, your ex. I think he really fell for her. Mukhang hindi niya maiwan eh. So, I'd rather run away than face the truth that he dumped me."
"Sigurado ka bang si Lhaine ang nakita mo?" tanong ko. Siguro ay siya nga ang rason kung bakit ang kalma niya kanina. Kung maalala ko man siya, siguro ay wala na rin iyong silbi. Tama nga itong naging desisyon ko. I really hated the bait-and-switch.
"He was hugging someone so of course I went to the trouble of checking the face of that bi—I'm sorry, girl. Trust me, hindi pa malabo ang mata ko," naiinis na sabi nito. Hindi ko na ulit siya sinagot.
***
NEW YORK, USA. Nakahinga ako ng mamalim dahil walang masamang nangyari sa flight. Sa tuwing may turbulence kanina ay napapahawak si JM sa kamay ko. Hinayaan ko nalang dahil mukhang takot na takot nga siya. Gusto ko ng matulog, nangangalay na ang katawan ko at nararamdaman ko na ang jet lag.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...