Lhaine Lee Ramos - POV
AFTER LUNCH na akong pumunta sa ospital para dalawin si Brix. Nadatnan ko pa ang mom niyang paalis na para kumuha pa ng ilang gamit ni Brix. Dahan-dahan akong sumilip sa room niya. Nakasabit ang kanang binti niyang balot sa white cast sa isang traction.
"Pagala-gala na ang mga suspended ngayon ah," sabi nito agad nang makita ako.
"Hi!" kumway ako.
"Lumapit ka naman dito. Wala naman akong nakakahawang sakit ah," tumawa siya. Isinara ko ang pinto at lumapit sa kanya.
"Masakit ba?" tinuro ko ang binti niya.
"Kung walang pain reliever."
"Sino ba kasi ang nagsabing 'makilipad' ka sa akin?" hindi ko napigilang sabihin. That was supposed to be on the 'don't say' list!
"Forget it, buhay pa naman ako eh. Thanks dahil hindi mo idiniin si Yaj. Aksidente lang naman talaga iyon eh."
"Okay, hindi ko na ulit babanggitin. Instead, tutulungan kita hanggang sa gumaling ka. It's not to pity or pay you for what you did. It's because we are friends."
"You might worry Ryan."
"Nag-aalala rin naman siya sa'yo."
"Lahat yata eh," isinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok niya.
"Sasamahan kita ng buong araw. Wala rin naman akong gagawin eh."
"Hindi ko inasahan na darating ang araw na mababahiran ang magandang record ni Lhaine Lee. Ang suwerte ko naman, ikaw ang gamot, doktor at nurse ko," he winked. I know he's strong but I think he's just trying to put up a front.
"So, anong gagawin natin ng buong araw?" umupo ako sa kama niya. Itinuro niya ang isang plastic bag sa katabi kong mesa. Puro DVDs and books ang laman nito. We ended up doing marathons and 'book reviews'. Nang dumating ang mom niya ay kasama rin namin itong nanood ng mga movies.
"Lhaine, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" may yumugyog sa balikat ko. Ay, naidlip pala ako habang nanonood kami. Tinignan ko ang relo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong past-eight na pala!
"Game!" napatayo ako. Natutop ko ang bibig ko. As much as possible kasi ay ayaw kong banggitin ang basketball sa harap ni Brix. Tinignan ako ni Brix saka ngumiti.
"Nakatulog din ako. Tapos na sigurado ang game, mabuti pa ay umuwi ka na at late narin. Maraming salamat sa araw na ito. Pakiramdam ko tuloy ay makakalakad ako agad ng dahil sa'yo."
"Balik ako bukas ha? Bye po Tita," paalam ko sakanilang dalawa. Dali-dali akong lumabas ng ospital at nagpara ng taxi. Nadatnan ko sina Tito at Tita na kumakain ng dinner nang makauwi ako.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...