Lhaine Lee Ramos - POV
Hindi kami nag-usap ni Lee sa buong biyahe papunta sa apartment ko. Nahihiya ako dahil hindi ko masagot ng diretso ang tanong niya. Ang masama pa ay ginamit ko si Yaj at ang nakaraan para lang takasan ang sitwasyon.
"Gusto mo ba ng space? Oras? Sabihin mo lang kung ano ang kailangan mo. But keep this in mind, I won't let you go that easy," basag niya sa katahimikan. Humilig siya sa tabi ko para tanggalin ang lock ng seatbelt ko. Hindi ako nakasagot. What do I do or say? Umayos siya ng upo at huminga ng malalim.
"We've been really complicated from the start. Sinusubukan naman natin at kung may nasasaktan man tayo, parte na iyon ng buhay. Sana intindihin mo na nagkakaganito ako dahil nagseselos ako. May karapatan naman akong maramdaman ang mga iyon hindi ba?" tuloy niya.
Marami akong gustong sabihin sakanya pero parang nablanko ako. My head's starting to hurt again. Lumabas ako sa sasakyan niya nang walang imik. He just drove off without even glancing.
"Nag-away ba kayo dahil sa akin?" sabi agad ni Brix nang nasalubong ko siya habang paakyat ako.
"Hindi," tipid na sagot ko saka ngumiti.
"Tinanong ka ba niya kung may gusto ka sa akin?"
"Oo."
"He must be really crazy then. Halatang-halata namang siya lang ang gusto mo eh. Alam kong hindi ka sanay na may sinasaktan. If it's possible, you would've sacrifice everything just to protect something you want to treasure. Lhaine, it doesn't work that way in real life. The heck, tama yata ang sinabi ni Ryan sa akin kanina," napakamot siya sa ulo niya.
"Ano ba ang sinabi niya sa'yo?"
"It doesn't matter now. Bakit parang natatakot kang sabihin kay Ryan ang nasa isip mo? Kung galit ka, magalit ka. Kung gusto mong magpaliwanag, magpaliwanag ka."
"Dahil baka hindi ko ma-meet ang expectations niya. Sobrang open niya sa lahat at hindi ko 'yun magawa."
"At tests, our teachers discuss the answers, right? Iyon ay para malaman natin ang mga pagkakamali natin at nang sa susunod ay para maiwasan na natin ang pagkakamaling iyon. I know my mistake right now. So deal with yours too. Salamat sa pagtanggap sa akin sa oras na ito. Papunta na ako sa punerarya, gusto mo bang sumama?"
"Susunod nalang ako Brix," tugon ko. He left in a hurry. Bumalik naman ako sa loob ng unit ko para pag-isipan at mag-reflect sa mga ginagawa ko. There's definitely something wrong with me because I can't think straight.
Before lunch na akong nakapunta sa punerarya. Kinansela ng klase ang Christmas party at inilipat nalang iyon sa susunod na taon. Saglit ko lang nakausap ni Brix dahil marami ang nagdaratingang tao.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...