Chapter 26

34K 449 79
                                    

Brix Risaralda - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Brix Risaralda - POV

"You're off to the hospital later right?" lapit ni Yaj sa akin habang naglalagay ako ng libro sa locker ko.

"Yeah, you don't have to come."

"You've been really alone these past few days. Lhaine looks better than ever huh."

"Looks like it."

"Here's an offer, simula ngayon ay sasama na ako sa mga therapy sessions mo. Lhaine's not the only one you've got."

"I'm not a kid anymore. Also, stop worrying. Ang sabi nga sa akin puwede na akong maglaro eh."

"No way! You can't! It's too soon. Mamaya ay mas adverse ang effect kapag pinuwersa mo. You silly guy," sinuntok niya ang braso ko.

"Totoo bang puwede ka ng makapaglaro ulit?" pareho naming nilingon ni Yaj si Lhaine na hindi ko napansing nakikinig pala sa amin.

"I'll text you later," sabi ni Yaj at umalis sa harap namin. Hindi pinansin ni Yaj si Lhaine. Lhaine on the other hand looked so positive. Kulang nalang ay may bituing lumutang sa paligid niya.

"Biro lang," sagot ko sa tanong ni Lhaine nang kaming dalawa nalang ang naiwan.

"May session ka ba mamaya? Puwede ba akong sumama? Ilang sessions na ang—"

"Sasamahan na ako ni Yaj," singit ko at iniwan na siya doon.

"Brix... May nagawa ba ako sa'yo? Pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ako eh," sinundan niya ako. How could I possibly say it to her? Na mas lalong humihirap para sa akin kapag nakikita ko siya at nakakausap.

"Wala, occupied lang ako sa exam. Marami akong dapat habulin eh. Don't overanalyze everything," lumingon ako at pilit na ngumiti.

"Okay, nag-aalala lang kasi ako. Kung pauwi ka na puwede bang sumabay? May practice pa sina Lee dahil may laro sila bago exams at December break."

"Ah, sige. Let's go home," tugon ko nalang. Parehas na kaming dalawa ng sakayan simula nang lumipat siya ng bahay. Kapag hindi siya hinahatid ni Ryan ay ako ang kasabay niya. Nitong mga nakaraang araw nga lang ay gingawa ko ang lahat para maiwasan siya.

"Ay teka, may nakalimutan akong kunin sa locker ko! Saglit lang ha," tumakbo siya agad pabalik sa loob. Nakalimutan niya siguro kung ano man ang kukunin niya dahil nakikinig siya sa usapan namin ni Yaj. Habang naghihintay ako ay dumating si Ryan.

"Nakita mo ba si Lee?" tanong nito.

"Bumalik sa lockers. Wala ba kayong practice?"

"Wala. Balita ko ay nakakalaro ka na kahit kaunti?"

"Konting-konti," tipid na sagot ko.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon