Chapter 58

23.9K 317 18
                                    

Ryan Lee Sanchez - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez - POV

Mangilan-ngilan lang ang tao sa beach na pinuntahan namin. Hindi na nga umuulan pero hindi rin naman masyadong mataas ang araw. Dumaan pa kami kanina sa ilang stalls para bumuli ng ilang prutas. Umupo kaming dalawa sa buhangin.

Ngiting-ngiti siya na parang may nakukuha siyang comfort sa dalamapsigan at hanging nagmumula dito.

"Ano ang gusto mong malaman?" simula niya. She was looking straight the ocean.

"Ano ang naramdaman mo nang malaman mo na bumalik ang ala-ala ko?"

"Happy? Siguradong nabawasan ang stress nina Tita."

"Bakit paborito mo ang mango juice?" napatingin siya sa akin sa sumunod na tanong ko.

"I think I'm ready to answer all of your questions right now. Kung gusto mo nga eh ikuwento ko pa simula sa una. You came here for closure, right? Hindi na ako magsisinungaling. I just want to get this done."

"Then answer my question. Bakit paborito mo ang mango juice? I fell in love with you within a short span of time. We dated but there was a lot of complication and most of it, we really can't control."

"Alam ko," sabi nito agad. She was trying real hard to maintain a flat affect.

"I really never had the chance to know you more. Alam ko na favorite mo ang mango juice pero hindi ko inalam kung may dahilan ba or kung kailan pa. Alam ko na gustong gusto mong mag-aral pero hindi ko alam kung ano ang favorite subject mo. Alam ko na lagi mo akong prinoprotektahan pero hindi ko alam kung mula saan..."

"I left because I wanted to be..."

"Alam ko na nagka-brain tumor ka," napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako. Halos mamuti ang mukha niya sa sinabi ko. Nilapitan k siya at yumakap. Nanatili lang siya sa kinakatayuan niya.

"Kailan pa?"

"It doesn't matter."

"You're oddly calm," her voice was shaking.

"We do things we never imagined we'd do to protect ourselves. Nang bumalik ang mga ala-ala ko, gusto kitang hanapin pero habang inaalala ko ang nasa sulat mo, I held myself back. Akala ko masaya ka pero wala akong ideya."

"So you're just here to pity me? Ang layo na ng narating ko, bakit kailangan mo pang ipaalala'yang mga 'yan? Nakaya ko ng dalawang taon na wala ka at siguradong sa susunod na taon pa... O sampung taon... O..." her voice softened. In between her words were sobs. Lumayo sila mula sa akin.

"I came here to take you home. I came here because I still love you. I never stopped loving you. Sa tingin ko ay ganoon ka rin sa akin."

"Please, just stop... Natatakot ako, okay? Paano kung bumalik ang sakit ko? I can't bear to see you and everyone worrying. Trust me. 'Yung mga nars at doktor nga diyan na hindi ko kilala ay awang-awa sa akin noon. Paano pa kayo? Hindi ako nagsisisi na iniwan ko ang mga kaibigan ko at lalong-lalo na 'yung nagsinungaling ako sa'yo. I had to cut you off. Tama ka, it's the only way I can protect myself too and I can't go through it again."

Lumapit ako sakanya pero umurong nanaman siya pero pinilit ko talaga hanggang sa mayakap ko ulit siya. Sa buong dalawang taon, mag-isa lang niyang umiyak, walang mapagsasabihan at ngayon, handa na akong maging sandalan niya.

"Let's just talk. Whatever we regret or not, let's talk it out. Pakinggan natin ang isa't isa. It's what we missed the whole time," kalmadong sabi ko. Unti-unti ay nawala ang mga hikbi niya. Giniya ko siya pabalik sa inuupuan namin kanina.

"Naintindihan ko naman ang ginawa mo. Nang mastranded kami sa isla na iyon, naalala ko ang sinabi ko sa sarili ko— na sana hindi mo nalang ako nakilala para hindi ka masktan kapag wala na ako. Nabuhay nga ako pero parang isang biro, nagkatotoo iyon kaya nasaktan at nahirapan ka parin. Wala naman akong masisi. Hindi natin kontrolado ang lahat."

Pinunasan niya ang mga luha niya at huminga ng malalim. "Isa yan sa kinakatakot ko. Hindi mo ba napapansin? Sa lahat ng bagay na napagdaanan natin, hindi natin iyon kontrolado na para bang hindi talaga tayo dapat para sa isa't-isa."

"Sabi ni Czar, wala raw mangyayari kung hindi mo susubukan. Tayo rin mismo sa huli ang makakapagsabi kung tayo nga ba ang para sa isa't isa. That's what I really came here to say, let's give us another chance. I changed every perspective I have in life. I realized I really can't live without you. Hinahanap at hinahanap parin kita."

"Hindi ko alam...." mahinang sabi niya.

"Lee ko, listen. Just talk, say everything you want to say and I will listen. Forget about what happened before or whatever you did that you regret. Think about the things you don't want to regret in the future."

"So—sobrang takot na takot ako sa mga oras na iyon. I had to undergo surgery and therapies. Ang nagpalakas lang sa akin ay ang paalala sa sarili ko na masaya kayo, lalo ka na. But what if I had to go through this again?"

"They said that you are fine now, I checked. Isa pa, hinding-hindi na ako mawawala sa tabi mo. Magtitiwala ako sa lahat ng sasabihin mo."

Natahimik at parang napapaisip siya. Sana maramdaman niya na sobrang namiss ko siya at mahal ko parin siya. Oo, mahal ko siya higit pa sa sarili ko. Nararamdaman ko naman na ayaw narin niyang mag-isa.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon