Lhaine Lee Ramos - POV
Pangatlong araw na namin sa Macau ngayong bisperas ng pasko. Marami na rin kaming naikot na mga tourist destinations. Hindi nga lang namin nakaksama ng husto sina Tita dahil marami silang inaasikaso. Sa ngayon ay nasa Macau Tower kami ni Lee at sa sobrang taas nito ay malulula ka talaga. None the less, the feeling and view's really superb!
"Bakit ang layo mo sa viewing deck? Ang ganda ng view, silipin mo kaya!" lingon ko kay Lee na nakatayo lang sa likuran malayo sa mismong viewing deck. Lumapit ako at hinila siya.
"Hindi ka ba nalulula?" tanong niya.
"Huwag kasing diretso sa baba ang tingin," hinawakan ko ang kamay niya. Nabanggit nga niya kanina na natatakot siya pero sayang naman kung hindi niya makita itong napakagandang view.
"This is great," he said, filled with awe. He must've forgotten that he's afraid. Inakbayan niya ako at inilapit ng husto sakanya.
"Lee, hindi mo naman talaga kailangang makisabay sa akin pauwi," iba ko ng usapan. May essay writing contest kasi akong dapat salihan before the end of the month. Kung alam ko lang na may ganito pala kaming bakasyon ay sana pinasa ko nalang iyon sa iba.
"Sumama lang ako dito dahil sumama ka. I'd be bored to death if you did not come," giniya niya ako para umalis na sa deck dahil dumadami na ang tao.
"Gusto mo bang mag-skydiving? Balita ko mayroon daw ganoon dito sa tower eh," I teased him.
"Stop it. Bumalik nalang tayo sa hotel. Let's just cuddle," bawi niya. Ayan nanaman siya eh. Noong nakaraan 'come to my room', 'let's go to somewhere dark next time' at 'can't we have one room instead' ang mga banat niya sa akin. He's really enjoying the tease!
"Gusto mo bang i-flying kick kita pauwi ngayon?"
"I am kidding, of course," tumawa siya. Bago kami umalis ay kumuha kami ng kaunting litrato gamit ang phone niya. Bago naman kami bumalik sa hotel para saluhan ang mga magulang niya ay lumibot muna kami para bumili ng mga regalo at pasalubong.
The moment the clock turned to 12:01, isang engradeng firework display ang bumalot sa paligid ng siyudad. "Merry Christmas, dears," itinaas ni Tita ang hawak niyang wine glass.
"Merry Christmas, Lee ko," humilig si Lee at bumulong.
"Merry Christmas too, I love you," bulong ko din sakanya. Pagtingin namin kina Tita ay nakangiti na sila na para bang alam ang pinag-uusapan namin. Bigla tuloy akong nahiya. Pagkatapos ng dinner ay binigay namin ni Lee ang regalo namin kina Tita. Dahil napagod sila sa mga sunod-sunod na meetings ay mas nauna silang umakyat sa hotel kaysa sa amin.
"Merry Christmas again," inilabas ko ang isang maliit na rectangle box mula sa bag ko at inabot kay Lee nang kaming dalawa nalang ang naiwan.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Genç KurguLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...