Chapter 9

39.2K 487 17
                                    

Ryan Lee Sanchez – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez – POV

"Magang-maga parin ba?" hindi ko mapigilang matawa nang makita ko ang itsura ng mga mata niya. Kahapon kasi ay pumunta kami sa bahay at libingan ng mga magulang niya kasama si Ma at Dad. Iyak siya ng iyak kahapon kaya hindi na ako nagtaka na namamaga ng husto ang mga mata niya.

"Honest opinion? Parang wala kang mata."

"Agh. Anong gagawin ko?"

"Maaga pa naman eh. Tingin muna tayo sa internet, nakakadiring tignan 'yang mata mo," inakbayan ko siya at giniya ulit pabalik sa loob ng bahay. Tumingin kaming dalawa sa internet at nakahanap nga ng listahan ng solusyon. Dinaan nalang namin sa pinakamabilis—cold compress.

"Nako-conscious ka na ngayon sa itsura mo?"

"Kahit sino naman siguro ayaw lumabas ng ganito. Pft. Tara na nga," may compress parin sa mata niya kahit na papunta na kami ng school. Gaya ng dati ay sa pinakadulo ako nag-park. Magsisimula na nga ang flag ceremony noong makarating kami eh. Sa unang pagkakataon ay sabay kaming umakyat, naghiwalay lang kami sa linyahan. Sina Brie at Czar na agad ang nilapitan niya.

"....Yaj Serano," napunta lang ang atensyon ko sa announcements pagkatapos ng flag ceremony dahil narinig ko ang pangalan niya.

"Ano raw?" tanong ko sa nasa harap ko.

"Transfer student daw."

Mula sa linya ng girls ay lumitaw si Yaj at tumungo sa harap at nagpakilala, gaya ng ginawa sa akin noon. Automatic at hindi ko alam kung bakit kay Lee ako napatingin. Nakayuko siya at hindi tumingin sa harap. Hindi ako mapakali, galing siya sa linya ng klase namin, ibig sabihin ay magiging classmate namin siya.

"Napalitan na raw ang seating arrangement," natapat sa akin si Lee habang naglalakad kami papasok ng classroom.

"Inayos na?"

"Ang sabi Czar, hindi raw napalitan iyong atin. Ewan ko lang ngayon, odd na eh, may isang mawawalan ng katabi," sagot niya at binilisan ang lakad. Hanggang sa classroom ay hindi niya ako kinausap. Maya't-maya ay pumasok na rin si Yaj. Iba-iba na nga ang seating arrangement bukod sa ilan. Si Lee parin ang seatmate ko pero naurong kami hanggang sa pinakadulo ng row. May designated na rin palang upuan si Yaj.

"Lhaine Lee Ramos."

"Hmm."

"Puwede mo ba akong tulungan?"

"What's in it for me?

"Be my girlfriend for the meantime, I just want to know something."

"Just this once. Dahil hindi mo ako iniwan noong umiiyak ako kahapon," alanganing sagot niya. Biglaan ko nalang naisip eh. It's not like I'm going to use her and get her hurt. I kust want to prove something. Mahal ko parin ba si Yaj? Seryoso ba si Yaj ngayon? Those things.. I want answers.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon