Lhaine Lee Ramos - POV
"Lhaine Lee Ramos, gusto kita."
I haven't slept a wink since he told me that. Hindi ko liningon si Lee nang sabihin niya iyon dahil natakot ako. Paano kung sabihin niyang 'biro lang'? Buti nalang at Sabado ngayon kaya puwede akong magkulong dito sa loob ng kuwarto—
"Tanghali na! Get up study partner!" sunod-sunod na katok ni Lee sa pinto ko. I checked my clock. It's still seven in the morning! Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto ko pero nairita ako sa hindi matigil na pagkatok niya kaya hinarap ko rin lang siya.
"Inaantok pa ako," umiwas ako ng tingin. He's acting normal so this might mean he really wasn't serious last night right?
"Hihintayin kita sa veranda. Get your books. Ah teka, uulitin ko baka hindi mo narinig. HIHINTAYIN KITA SA VERANDA."
"Oo na! Narinig ko na, maghihilamos lang ako saglit. Hindi naman ako bingi eh."
"Talaga? Hindi?" he hissed then just walked out. This, in the morning, felt normal. Okay na sa akin ang 'grumpy Lee' kaysa sa 'rebeldeng Lee'. Pagkatapos kong maghilamos ay tumungo ako sa veranda. Nadatnan ko siyang umiinom ng gatas at kumakain ng chocolate cake.
"Wala sa akin?" tanong ko at umupo sa harap niya. Nakalapag lahat ng libro at notebooks niya sa mesa. Ang bigat ng mga mata ko, sana maturuan ko siya ng maayos. Isasantabi ko nalang ang 'biro' niya kagabi.
"Kumuha ka sa baba mamaya. Algebra muna unahin natin."
"Nag-quiz kami noong huli, namemorize ko ang ilan sa problems kaya iyon nalang gagamitin kong examples," saad ko at nagsimula nang magsulat sa mga papel ng problems. Napatingin ako sakanya dahil naramdaman ko ang 'malagkit' na titig niya sa akin habang nagsusulat ako.
"Sa papel ako nagsusulat kaya iyon ang tignan mo!" pinalo ko ang ballepen na hawak ko sa ulo niya.
"You don't have to hit me! By the way, you are smart so let me ask you something. Is there such a thing as selective hearing?"
"I think so. Something psychological related to denial or personal crisis I guess. Teka nga, hindi naman 'to kasama sa lessons natin at puwede mo namang tignan sa internet eh."
"Huh, okay. May naalala lang akong tao. Ayaw ko nang mag-aral."
"Ano? Matapos mo akong gisingin ng ganito kaaga?"
"Hindi ako makaconcentrate dahil sa'yo. Ako nalang mag-isa ang mag-aaral. I won't let you down partner. Sa'yo na yang cake," tumayo siya at hinakot ang libro niya.
"Mag-isa? Absent ka ng ilang araw, kailangan mo ng tulong," sabi ko kahit na ako mismo ay hindi makaconcentrate dahil sakanya.
"Kailangan o gusto? Hindi talaga ako maka-concentrate. Kung kailangan ko ng tulong sasabihan kita."
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...