Lhaine Lee Ramos - POV
"May bukol ka yata," turo ko sa namumulang noo niya.
"Yeah, wala 'to," tumayo siya at hinarap ako. Lumabas ako para buhatin sana ang mga boxes na dinala niya. Akala ko si Tita ang magdadala ng mga 'to. Nagulat ako kanina at hindi ko alam ang sasabihin ko kaya pumasok ulit ako.
"Ako na, may sakit ka pa. Nice apartment," sabi nito at isa-isa niyang binuhat ang mga boxes at ipinasok sa loob.
"Thanks. Umuwi ka na at mag-aral. Malapit na ulit ang exams."
"Kaya nga ako nandito. You're my study partner."
"LHAINE! HOUSEWARMING PARTY NA!" nagsidatingan sina Brie, Czar, Brix, Thom at Ray. Marami silang dalang take outs at mga drinks.
"Nag-uusap pala kayo," nagtago si Czar sa likuran ko.
"Sa labas na tayo mag-usap," tawag ko kay Lee, "pasok lang kayo, feel at home guys," baling ko naman sa mga dumating.
"Magdala ka ng jacket mo," lapit ni Brix sa akin bago niya tinanggal ang suot niyang bonet at isinuot iyon sa ulo ko. Naunang umalis si Lee na para bang ayaw niyang harapin ang mga 'kaibigan' namin. Hinila ko nalang ang cardigan ko na nakalapag sa sofa. Pagkababa ko ay inabot ni Lee sa akin ang jacket na suot niya kanina.
"Hindi na, may suot na akong jacket," tanggi ko sakanya.
"Take it. Masyadong manipis 'yang suot mo. May nakita akong park malapit dito. Kaya mo bang maglakad? You're still sick," sabi nito habang pilit na pinapasuot sa akin ang jacket niya. Hindi na lang ako umangal sa ginawa niya.
"I'm okay," tugon ko. Nagsimula na kaming maglakad at pareho kaming hindi nagsalita sa mga oras na iyon. Ilang liko lang namin ay narating namin ang parkeng tinutukoy ni Lee.
"Umupo ka muna diyan, bibili lang ako ng tubig," sabi nito at tinalikuran ako. Sinunod ko naman siya. Humakbang siya palayo pero bumalik din agad.
"Stay there, don't leave," sabi nito at saka tinalikuran ulit ako. Ano na nga ulit ang mga sasabihin ko sakanya? I prepared a speech pero parang nabura ang lahat ng iyon nang makita ko siya. I really fell hard huh.
May dala-dala siyang bottled water at vitamins pagbalik niya. Pina-inom niya agad ang vitamins sa akin. "Air is fresh here," he started.
"Something I really need right now. Ah, oo nga pala, na-submit mo ba ang report natin? Iniwan ko sa kuwarto mo kaninang umaga."
"Meron ba?"
"Ibig sabihin wala tayong assignment?"
"Gumawa ako ng report natin pero hindi ko talaga nakita 'yung iniwan mo."
"Gumawa ka? Baka bumagsak tayo," sabi ko at napangiti pa ako. That was new. Natahimik kami hanggang sa tumayo siya sa harap ko. Seryosong-seryoso siya at diretso ang tingin sa akin.
"I didn't have any idea you were having a hard time. I got used to you being strong. Lagi kitang nasasaktan kahit ng hindi ko sinasadya. Kahapon, pumunta si Chandler sa school para kausapin ako tungkol kay Yaj. He hit me and that was where I got the bruise," simula nito na para bang sinsagot ang tanong ko last time.
"Sorry, sa'yo ko nabaling ang kabadtripan ko. That afternoon, sinabihan ako ni Yaj na gusto ulit akong kausapin ni Chandler para mag-apologize. Nang makita ko na magkasama kayo ni Brix, I lost it. Akala ko ay plinano nilang magkapatid iyon. Heck you're with Brix all the time. I'm selfish for wanting you all to myself but that's because I really really love you. Hindi ko nga alam kung kailan nagsimulang maging ganito eh. I value you more than my own life but I can't even give you the best treatment you deserve because of my flaw. Lagi kang inaalagaan at prinoprotektahan ni Brix when in turn I give you pain," dagdag niya bago siya tumalikod.
"Lahat naman tayo may flaw eh at hindi ko naman hinihingi na maging perkpekto tayo. We didn't even start the way normal couples do," komento ko.
"Dinala ko si Yaj sa ospital noong umagang iyon. I just helped her that's all. Wala na akong nararamdaman para sakanya. Even if I bet my life right now, I swear, I only see you," pagkaharap niya sa akin ay tumutulo na ang mga luha niya. Lumuhod siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Umuwi ka na please. Don't break up with me please. I'll try harder so just come home."
"I'm not breaking up with you and I'm not going back there too. Sa totoo lang, I'm lost right now."
"Okay... Okay... I understand. Tell me everything; I'll listen 'till I go deaf. From now on, can we reset everything?""Hindi naman kailangan ng total reset eh."
"We do. Hi, I'm Ryan Lee Sanchez. You're cute, can I court you?" tumayo siya at inilahad ang kanang palad niya."Lhaine Lee Ramos?" alanganing sabi ko habang tinatanggap ang palad niya. He pulled me up and hugged me.
I understand him a little now. We both have our flaws and reasons. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako na-insecure, nainggit sa ibang tao at naging possessive – lahat ng ito ay dahil kay Ryan Lee Sanchez. Habang naglalakad kami pabalik sa complex ay nagtanong siya tungkol kay Nana. Siyempre ay masaya rin akong nag-kwento. There are a lot of things that we need to know about each other and there's no need to rush. We have a lot of days ahead of us.
Nadatnan namin ang lahat na kumakain nang makabalik kami ni Le sa apartment. Kung hindi dahil kay Brix ay hindi ko marerealize ang lahat ng ito. Baka nagpapatuloy parin ako sa pagsabi ng 'okay lang ang lahat' kung sakali.
---
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...