Chapter 42

26.6K 348 63
  • Dedicated kay all readers of She's the Girl!
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

Idineretso ako ni Zenrid sa private clinic ng Tito niya imbes na sa ospital. Tinusukan nila agad ako ng ilang gamot dahilan para mawala kaunti ang sakit ng ulo ko. Pabalik-balik naman ng lakad si Zenrid sa tabi ko habang hinihintay ang Tito niyang magbibigay ng resulta.

"Iha, are you feeling better now?" tanong ng doktor nang makita ako. Umupo ako mula sa pagkakahiga. Pinalabas ulit ni doc si Zernrid.

"Opo doc."

"I already have a conclusive and final diagnosis for your condition. You have Fibrillary Astrocytomas. These are small group of slow growing brain tumors. We need to start your treatment as soon as possible."

"Cancer.." nakuyom ko ang palad ko. I'm a walking time bomb.

"Yes, iha. It's a type of a brain tumor, here, look at this," itinuro ni Doc ang ilang imahe sa computer malapit sa amin, "iyan ang mga masses. If you start the treatment early then the chance for it to re-occur is lesser."

"May taning na po ba ang buhay ko?"

"Iha, your surival chance is at 70% as long as maagapan natin ito. There are a lot of treamtment options like chemo or radiation therapy and sugery. It can be a combination of those. If you opt not to treat it, then I guess more or less four years."

Ang laki ng 30% chance na hindi ako magamot. Pinaliwanag ni doc sa akin ang lahat ng prosesong pagdadaanan ko kapag nagpagamot ako. Isang biopsy surgery daw muna ang gagawin bago nila malaman kung ano ang treatment na dapat sa akin. I looked all ears but I my mind was wondering—makikita ko na ba sa wakas ang mga magulang ko at si Nana?

"Doc, may finals pa po kami next week. Can I just finish that?" tanong ko nang matapos ang paliwanag niya.

"The decision is yours but the more you delay it, the more na mahihirapan ko. Kahit na may mga gamot ka, you'll still experience a lot of headache, you'll feel weaker, numb and your concentration will be affected. What's really scary is the possibility of seizures at the most unexpected place. Zenrid is really worried and he asked me to handle this personally and discreetly. I respect your decision so please be careful."

May ilang mga papel na pinapirmahan sa akin si doc. May mga bagong tests siyang pinarequest at may ilan namang pinaulit. Tahimik lang akong sinamahan ni Zenrid sa lahat at ni minsan ay hindi ito nagtanong. Sa tingin ko ay alam na niya ang diagnosis sa akin. Imbes na dumiretso pauwi ay dumaan muna kami sa malapit na park. Baka kasi nasa nandoon ang mga kaibigan ko at nag-aabang nanaman para kamustahin ako.

"Oy, magpakita ka naman ng emosyon. Nakakatakot 'yang blankong itsura mo," inabutan ako ni Zenrid ng isang bottled water.

"Blank or not, the result would not change."

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon