Lhaine Lee Ramos - POV
"Iuntog kaya natin sa pader?" biglang sabi ni Brie habang naglalakad kami paalis ng village. Natawa ang lahat dahil parang seryoso siya at may balak talaga siyang gawin iyon.
"Guys, it's not his fault but it's really frustrating," singit naman ni Czar.
"Bigyan niyo lang siya ng oras. Alalahanin niyo nalang ang sinabi ng mga doktor," Thom commented. Everyone agreed. Nag-iba ang mood ng lahat.
"Gusto niyo bang manood ng sine?" iba ni Ray ng usapan.
"Yeah, tara, ililibre ko kayong lahat," segunda agad ni Brix saka tinignan ako. Pumara si Thom ng taxi at sumakay kaming lahat.
"Oo nga pala, mas mabuti yatang huwag niyo munang banggitin kay Lee na uhm, girlfriend niya ako," anunsyo ko sakanilang lahat. They all understood the risk so they just agreed. I need to calm down, he'll be better in no time!
Naghiwalay kaming lahat matapos naming manood ng movie at kumain ng dinner. Kami lang ni Brix ang parehas ng sakayan kaya kami ang nagsabay. "May napansin ako sa'yo,
simula niya."Ano naman daw 'yun? Stalker," napangiti ako.
"Your mood's really terrible lately. Sometimes you look really depressed and at times you give us that look like you don't give a crap about everything."
"Ganoon? Hindi ko napansin."
"I thought so. Kung frustrating sa amin, siguradong mas frustrating ito para sa'yo."
"I can choke on my misery or I could do something to help him."
"That's the spirit. But think of the 'now' before 'tomorrow'. Seriously though, you have terrible mood swings. Here's a suggestion. Dahil maraming na-miss si Ryan na classes at desidido naman yata siyang ipagpatuloy ang school year, why don't you do your job as his study partner?" inangat ni Brix ang kamay niya for a high-five.
"You read my mind again," naki-high five ako sakanya. I exactly don't know why Ryan Lee fell for me in the first place but I'm going to do my best for him to remember that feeling. But the really easy solution is for him to regain his memory back. I guess I need to research a lot!
* * *
Ryan Lee Sanchez - POV
Akmang papasok na sana ako sa kuwarto ko ngunit napatigil ako at napatitig sa pintuan sa kabilang direksiyon. Nahahatak akong pumunta doon pero nang makatapat na ako sa pintuan ay binalot ako ng matinding kaba at takot.
"Sh*t, kuwarto lang 'yan," malakas na paalala ko sa sarili ko. Tumungo rin lang ako para pumasok sa kuwartong iyon. Sa pagkakaalala ko ay ginawa ko 'tong storage room pero sa ngayon ay wala itong laman. Amoy watermelon ang loob ng kuwarto at parang pakiramdam ko ay dapat mahalaga sa akin ang kuwartong ito.
"Papasok ka na ba? We'll drive you," pumasok si Ma sa kuwartong kinaroroonan ko.
"Alam kong busy kayo kaya huwag na ho."
"Did you see the pictures earlier? I have one here too," lumapit si Ma sa drawer at may inilabas siyang dalawang picture frame. Sa isa ay litrato ng dalawang baby, sa isa naman ay si Lhaine kasama ako at ang mga magulang ko.
"Help me figure this out Ma. Lhaine is everywhere and no one's giving me an answer. The last clear thing I remember was me agreeing to transfer schools."
"We're just being careful anak. They won't force you to remember but I guarantee you that your friends, especially Lhaine, will help you."
"Kaibigan ko lang ba talaga siya? Can I have her address?"
"Of course you can," inilapag ni Ma ang mga frame sa mesa imbes na ibalik ang mga iyon sa drawer. Kahapon nang tinalikuran ako ni Lhaine ay kakaiba ang naramdaman ko. How do I say this? Right! It felt like you had this long time friend who suddenly decided to leave without even saying goodbye.
Maaga akong lumabas ng bahay para puntahan ang address ni Lhaine na binigay ni Ma. It's really bothering me. All I have are questions and clearly, Lhaine knows a lot about me and my family.
"Sino po sila?" Lhaine lazily answered on the intercom.
"Ryan Lee," sagot ko. Agad na bumukas ang pintuan. Ang gulo ng buhok niya, halatang kagigising dahil na rin sa muta. Nice.
"Anong ginagawa mo dito? Anong oras na ba?" natatrantang sabi nito.
"Six in the morning. Puwede bang pumasok?"
"Sure," binuksan niya ng husto ang pintuan. Malawak ang unit niya at ang unang mapapansin mo ay ang napakaraming libro.
"Ang dami mong litrato sa bahay. Sino ka ba sa buhay ko?"
"Kumain ka na ba?" tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko.
"Hindi ako nagugutom. Isa pa, hindi ka pa ba mag-aayos? O lagi kang late sa klase?"
"ASA ka naman. Bakit, sasabay ka ba sa akin?" nag-iba bigla ang mood niya.
"Sana. Kahit si Manang Amor nabanggit ka na. I might get lost at school. Close ba kayo ni Yaj—" tinalikuran niya ako at pumasok sa isang kuwarto. Moments later, I heard the shower. Habang hinihintay ko siya ay binuksan ko ang TV niya.
"Tara na," lumabas siya sa kuwarto at handa ng umalis. Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV.
"Let's start, so I'm Lhaine Lee Ramos. I'm your seatmate, study partner, almost family... uhm, friend," nagsalita lang talaga siya nang makarating kami sa school.
"Anong almost family?"
"Bye, mauna na ako sa loob," aba parang inirapan pa niya ako. Noong unang araw sa ospital eh parang maiiyak na siya't lahat tapos ngayon pinagtatabuyan lang ako? Anong klaseng tao ba 'yun?!
"Rai!" tumabi sa akin si Yaj.
"Dito ka talaga nag-aaral huh. Bakit walang dumalaw ni isa sa inyo sa ospital?"
"I've never been so glad to hear your 'I'm so irritated' voice," tumawa siya. Mukhang wala talaga akong makukuhang mga matinong sagot tapos ang gusto ng lahat ay bumalik ang ala-ala ko?
"Anong nangyari sa atin?"
"Well, wala ng 'atin'. I mean, we're nothing but friends now, sort of. Sabay ba kayong pumasok ni Lhaine?"
"You saw."
"Be honest Rai. Komportable ka bang kasama siya kahit na hindi mo siya maalala? Sinabihan na ako ni Brix na dapat ay huwag kang pilitin so I'll just say one thing—Lhaine Lee," sabi nito at naunang pumasok sa loob nang hindi man lang hinintay ang sagot ko. Sa totoo lang ay hindi ako komportable kapag kaharap ko si Lhaine. Hindi ko maipaliwanag pero natatakot ako kapag nababanggit ang pangalan niya. At the same time though, I want her close. Well, this is plain weird. Panay ang bati ng mga tao sa classroom sa akin. Ngumingiti nalang ako dahil ni isa sa mga mukhang iyon ay hindi pamilyar sa akin.
---
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...