Chapter 43

25.1K 312 55
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

'Happy Birthday Ryan Lee' ang nakalagay sa cake na nakahanda sa gitna ng mesa sa bahay nina Lee. Hindi naman binanggit ni Lee na pang-advanced birthday celebration niya pala ang dinner na ito.

"Wala akong dalang regalo," I glared at him.

"Just eat well... Para hindi ka na magkasakit. That's good enough," tugon nito. Nilagyan niya ng pasta ang plato ko. Bago ako maka-upo ay tinawag ako ni Tita para kausapin mag-isa.

"Here are the documents you wanted. We also dropped the petition for the legal guardianship. Your parent's medical history, your birth certificate, updated passport and bank books are all there. The bank book contains all of the money we collected from your Nana's liquidated assets," inabot sa akin ni Tita ang dalawang brown envelope.

"Maraming salamat po, pasensiya na po sa abala."

"Anak, I'm sorry that this is happening. I know that you have your own plans and decisions to make. Leave or stay, we'll always be a family."

"Hindi po ninyo kailangang mag-sorry. You've given more than I can ask in a lifetime. Tinanong po ako ni Lee kung gusto kong sumama sakanya."

"And? If you'll say yes, we'll process all of the necessary documents right away."

"Hindi ko pa po alam."

"After our Singapore trip, we might be staying with Ryan for good. It breaks my heart that we have to leave you. We just don't want to pressure you into something you really don't want to do."

"I understand Tita," tipid na sagot ko. She hugged me so tight. Is there any place in this world without worries? Bago ako bumalik sa salo-salo ay dumaan muna ako sa CR. This can't happen now... The pain's too sharp like a knife cutting into my skull. Hindi ko rin maramdaman ang kalahating kanan ng katawan ko.

"Hello? Bakit?" tinignan ko ang phone ko. Napindot ko pala ang last dialled number ng phone ko. Nanlalabo ang paningin ko.

"Zen-rid, nandito ako..kina Lee.. Masusundo mo..ba ako?"

"Sh*t, saglit lang, papunta na," binaba ni Zenrid ang tawag. Napa-upo ako sa sahig. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit.

"Lhaine, ang tagal mo diyan," kumatok si Lee sa labas. Gaano na ba ako katagal dito?

"May kausap ako sa phone."

"Okay. Lumalamig na ang pagkain mo," tugon niya. Hindi ko kayang lumabas dito at magpakita ng ngaiti sakanila dahil sa sobrang sakit. Kailangan ko ang mga gamot ko na nasa bag. Five minutes later, nagtext si Zenrid na nasa labas na siya. Ni hindi ko nga maalala kung binigay ko ba sa kanya ang address nina Lee eh.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng CR. Nagulat ako dahil nasa loob na si Zenrid at kasama sina Tito, Tita at Lee.

"Sundo mo," Lee sounded mad.

"Ah, Tito at Tita, si Zenrid po—kaibigan ko," tumabi si Zenrid sa akin at kinuha ang bag ko mula sa upuan.

"Oh, nice to meet you iho. We're having dinner, you can join us," hindi maitago ang pagtataka sa mukha ni Tita. On the other end was Tito who looked disappointed.

"Ah, kailangan na po kasi naming umalis dahil may naplano po kaming lakad kanina," rason ko. Halos bumaon na ang kuko sa palad ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Is that so, ok then," tugon ni Tito. Napakapit ako sa jacket ni Zenrid habang palabas kami. Alam kong bastos ang ginawa ko pero wala na akong choice.

"Anong nangyari? Nasaan ang mga gamot mo?" halata ang pag-aalala sa boses ni Zenrid.

"Sorry, sorry, sorry..." I looked back. Sinundan lang kami ni Lee habang paalis kami ni Zenrid. Pagkalabas na pagkalabas namin ng gate nina Lee ay nandilim na ang paningin ko.

***

A constant beeping woke me up. Puti ang kabuuan ng lugar na nakita ko nang buksan ko ang mata ko. The beeping machine's a heart monitor I guess. May suwerong nakakabit sa kanang kamay ko.

"Finally," nasa upuan malapit sa kama si Zenrid.

"Anong oras na? May quiz—"

"Nag-seizure ka kanina tapos p*nyetang quiz pa ang inaalala mo?" sabi ni Zenrid pero kalmado parin ang boses.

"Ala-una na ng umaga at nasa ospital ka. Let's try to talk some sense into you—magpagamot ka na. To hell with your quizes and exams."

"Iyon nalang ang mayroon ako at gusto kong tapusin."

"Iyon lang? Hah. Paano 'yung buhay mo? Gusto mo rin bang tapusin iyon kasabay ng finals ninyo? Hindi kita maintindihan. Sabihin mo na kasi sa mga kakilala mo."

"Sa susunod, hindi na kita aabalahin pa."

"Hindi iyon eh. Kahit na tawagan mo ako ng benteng beses sa isang araw, wala akong paki-alam. Nag-aalala lang ako sa'yo, kiddo."

"Matutulog na muna ako. Kailangan ko talagang pumasko bukas. Thanks ulit, Zenrid," tugon ko nalang bago ako nagtago sa kumot ko.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan. Kung sana ganoon kadali eh. Anong sasabihin ko sakanila? 'Uy friend, may cancer ako. Pray for me ha?'

Masasaktan at mag-aalala sila. Titigil ang mundo nila para sa akin. I've been here before at ang kaibahan nga lang ay si Nana ang may sakit. Ayaw niyang mag-alala ako araw-araw kaya hindi niya agad sinabing may malala pala siyang sakit.

Nagalit ako noong una pero ngayon naiintindihan ko na.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon