Lhaine Lee Ramos - POV
Halos mag-iisang linggo na ang lumipas nang mabalitaan naming bumagsak ang sinakyang eroplano ni Lee. Wala akong magawa kundi sisihin ang sarili ko dahil alam kong minadali niya ang pag-uwi para sa akin. Sa bawat araw na dumadaan ay tumataas ang bilang ng mga bangkay na nahahanapan. They found three survivors and Lee's not one of them.
"Hindi ka nanaman ba kakain?" umupo si Czar sa bakanteng upuan ni Lee. Sa tuwing sumasapit ang mga breaks namin ay hindi ako lumalabas sa classroom.
"Ah, wala akong gana tsaka masakit 'yung ulo ko."
"I know it's hard right now pero huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. You've been having constant headaches because you're not eating and sleeping well," singit naman ni Brie na kakalapit lang sa amin.
"Brie's right. Paano nalang kung bumalik si Ryan at makita ka niyang nangangayayat? So atleast eat this," inabutan ako ni Czar ng isang mango pie at bottled water.
"Thank you, siguro kapag wala kayong dalawa eh nabaliw na ako," pilit akong ngumiti.
"Let's just keep on praying," tugon ni Brie saka niyakap ako. Binuksan ko ang pie at kinain iyon sa harap nila. Lately, everything's stale to me. Binuksan ko ang bottled water at iinom na sana pero bigla iyong nahulog mula sa kamay ko. Bumuhos ang tubig sa damit ko at sa sahig.
"Wait, I'll grab some tissue," tumayo si Brie.
"Stay strong Lhaine. You must be really tired so at least rest," nag-aalalang sabi ni Czar.
"I know. Nasa locker ang PE uniform ko, magpapalit lang ako," paalam ko sakanya bago siya iwan. Instead of changing though ay lumabas ako ng school. I really can't concentrate with everything. Dumiretso ako sa isang maliit na parke malapit sa school para magpahangin. Hindi matigil ang phone ko sa pagvibrate dahil sa pagtawag ni Brix. Gusto ko lang munang mapag-isa.
Binuksan ko ang internet ng phone ko para tignan ulit kung may balita na. One hundred fifty passengers ang laman ng buong plane at ayon sa naunang balita, nasira raw ang lahat ng engines ng eroplano. The plane glided and went off course hanggang nga sa bumagsak ito sa tubig.
"You're Lhaine Lee right?" tumabi sa akin si Jakes Fernando, isang tenant sa complex namin. I think I only met him once. Nalaglag niya ang mga librong hawak niya dati kaya tinulungan ko siya. He looked sick that time kaya inofferan ko siya ng tubig. He even called me a 'life saver'. Weird nga lang dahil nagkuwento siya agad tungkol sa babaeng gusto niya. He even mentioned he'll be 'leaving' soon.
"Hi. Lumipat ka na ba?" tanong ko.
"Sa end of summer pa. By the way, here," inabot ni sa akin ang isang phone.
"This is my phone, saan mo ito nakita?"
"I've been following you since earlier. Paikot-ikot ka lang dito. You did not even notice when you dropped your phone."
"Ganoon ba, thanks."
"You're eyes are swollen. I can listen to your worries dear life saver," komportable itong sumandal sa bench na inuupuan namin.
"Natatakot ako na baka hindi bumalik ang taong pinaka-importante sa buhay ko."
"I see. It's that plane crash right? It's been floating around the complex. Alam mo ba ang dapat na gawin mo ngayon? Pray hard. A percent chance is still a chance. Be strong, that's the least you can do right now."
"Natatakot ako. I've lost enough already."
"As I told you, there's still a chance. It ain't over 'till it's over. So, instead of spacing out here, why don't I just take you home," sabi nito at tumayo. Tumango ako at tumayo narin. Sabay kaming umuwi sa complex. It turns out mas matanda pala siya ng isang taon sa akin at ang Lola niya ang nagma-manage sa buong complex bukod sa landlord.
"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka. More or less ay nasa taas lang ako," siya mismo ang kumuha ng phone ko mula sa akin para i-save ang number niya.
"Thank you."
"Name's Mighty Jakes on your phone. Inaantok na ako kaya aakyat na ako. Just call me, alrighty?" sabi nito bago kumaway at umalis. He's one weird guy but his words were really encouraging. Well, he gave me a lot. Para siyang isang walking 'quotes book'.
"Sino 'yun?" nadatnan ko si Brix sa tapat ng unit ko.
"Ah, tenant din dito."
"Matagal na ba kayong magkakilala? Saan siya nag-aaral?"
"Brix, he's nice. We just talked, that's all."
"How sure are you?" tumaas kaunti ang boses niya. Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "Sorry. Kung kailangan mo nang makakausap, masasandalan o makikinig sa'yo, nandito lang naman kaming lahat eh."
"Lalo lang dodoble ang pag-aalala ninyo."
"Stop blaming yourself," sumunod siya sa akin nang buksan ko ang unit ko.
"I have to blame someone. How can I not blame myself? I was greedy. Gusto ko na manalo sa contest, umuwi nang maaga para makasali sa contest, makasama siya para makita niyang manalo ako at hindi ko man lang tinanong kung ano ang gusto niya."
"Just stop. No one saw that coming. Also, you have friends. Remember the words you said to me before," inilapag niya sa mesa ang ilang take outs na hindi ko napansing dala-dala pala niya.
"I'm an idiot right?" naiyak tuloy ako.
"You're just scared, that's all," hinagod niya lang ang likod ko habang umiiyak ako. I need to believe and have faith. I know everything ends eventually but I wish it's not this soon.
Palabas na kami mula sa laboratory room nang mag-vibrate ang phone ko. Nang makita kong si Tita ang tumatawag, kinabahan agad ako. "Tita, may balita na ba?" tanong ko agad nang sagutin ko ang tawag.
"They just found him. He's alive, Lhaine," panay ang paghikbi ni Tita sa kabilang linya. Nagising ang buong diwa ko at gusto kong magtatalon sa saya.
"Thank God! Nasaan po siya ngayon? Okay lang po ba siya?"
"Wala parin siyang malay pero ang sabi ng doktor dito ay makakarecover din siya once he replenish his fluids and nutrition. Just wait there Lhaine, we'll bring him back."
"Tita, gusto ko na siyang makita."
"We're in Hainan right now. It's the nearest hospital from where they found them. Just wait there anak, I'll update you from time to time. Also, we don't want you to see him like this."
"Tita, thank you. Tita, buti nalang..." I could not contain my happiness. I rushed to tell everyone. Ang sabi ni Tita ay dalawa raw silang survivor at may isa silang kasamang namatay sa isla na kung saan sila na-stranded ng ilang araw. Masaya ang lahat at may plano sina Czar na mag-organize ng 'welcome home' party. Pagkauwi ko ay binuksan ko ang TV at nakita ang news tungkol sa rescue operation nina Lee. May higit sampu pang missing mula sa mga pasahero. Kahit na hindi masyadong malinaw ang kuha sa footage ay kitang-kita ko si Lee na walang malay, sobrang payat at naka-oxygen mask. He'll be okay... Thank God he's okay.
---
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
TienerfictieLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...