Chapter 62

27.2K 337 32
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

The next few days, weeks and months were like a dream—everything's so perfect and sweet. Nag-enroll si Lee dito at kasama niya sa iisang univerity anga mga kaibigan namin. I on the other hand, plan on finishing high school.

"Tinatamad akong pumasok," sinandal ni Lee ang ulo niya sa likod ko. Minsan kasi kapag maluwang ang break niya dito siya sa apartment tumatambay. Bumalik ako sa dating complex pero sa ibang unit nga lang.

"Malapit na ang finals ninyo 'di ba?"

"Help me review. I think you understand these more than me," umayos siya ng upo. Tumayo ako at tumungo sa kusina para tignan kung luto na ang ulam na niluluto ko.

"Makinig ka kasi sa klase o magbasa ka sa break mo. Puro tulog lang ang alam mo eh."

"Can't we just have fun today? Sigurado naman akong hindi ako bagsak sa kahit saan."

"No I can't. Babalik ako sa Shirikawa mamaya para mag-inquire. I feel weird though. I'll be two years, running three, older than everyone."

"I think no one would even notice that. Babyface ka eh. Trust me, you'll be okay," tumayo siya at sinamahan ako sa kusina.

"Opo. Male-late ka na kaya kumain ka na Mr. Sanchez."

"Salamat, Mrs. Sanchez," parang wala isip na sabi nito.

"Ha?" sabi ko.

"Ha?" sabi rin nito. Mukhang narealize niya rin iyong sinabi niya.

"Kumain ka na nga," tinalikuran ko siya at tumungo sa CR. Mrs. Sanchez? Nagulat talaga ako doon. Nakikita ko naman ang sarili ko bilang Mrs. Sanchez in the future eh. Iyong magkakaroon din kami ng masayang pamilya at mga cute na anak! Wait, don't tell me he already wants to get married? No, I need to snap out of it! Ako naman ang nag-iimagine dito baka nang-aasar lang pala siya.

Pagabalik ko sakanya ay kumakain na siya. "Gusto mo bang sunduin kita doon mamaya?" tanong niya.

"Huwag na. Mag-aral ka ng husto kung hindi ay tofu ang lagi kong lulutuhin sa tuwing pumupunta ka dito."

"Mag-aaral na. Aalis na ako para makahabol ako sa klase," tumayo ito kahit na wala pang kalahati ang pagkain niya sa plato.

"I'll text you later, love you," dinampihan muna niya ako ng halik sa noo bago nagmamadaling umalis. Bumalik ako sa sala para ayusin ang ilang librong iniwan niya. College huh?

Ilang oras mula nang makaalis si Lee ay lumabas narin ako para pumunta sa Shirikawa International School—ang lugar kung saan nakilala ko ang best friends ko at ang Lee ko. Sa bawat lakaran kong corridor ay bumabalik ang lahat ng ala-ala namin dito. Parang kailan lang ay nandito kaming lahat. Kinuha ko ang lahat ng mga kailangang requirements para sa susunod na enrollment. Tumagal ako sa loob ng campus dahil umikot-ikot pa ako. Inabutan tuloy ako ng lunch break nila dito.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon