Chapter 24

32.7K 462 66
                                    

Brix Risaralda - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Brix Risaralda - POV

"Hindi ko alam na may sakit pala siya," basag ni Ryan sa katahimikan. Kung wala lang kami sa bahay nila, baka nagulpi ko na 'to eh.

"Ilang beses kong sinabi sa harap mo pero hindi ka nakinig. Kailangan mo yata ng anger management class."

"Yeah," tipid na sagot niya. Gusto ko sanang hintaying magising si Lhaine bago ako umalis pero mukhang kailangan niya pa ng mahabang pahinga. Kahit ayaw kong kausapin si Ryan, mas nangibabaw ang pag-aalala ko kay Lhaine. Kailangan yatang ipamukha kay Ryan ang problema niya. Minsan kasi hindi malalaman ng tao na may problema hanggang sa may magsabi sakanya 'word per word'.

"Hindi ako nagpabigay para saktan mo lang siya. Don't take her for granted."

"Hindi naman naging sa'yo si Lhaine para imapigay mo," maagap na komento niya sa sinabi ko.

"Iyan kasi ang problema sa'yo, hindi mo iniintindi ang sinasabi ng iba bago ka sumagot. 'Yang init ng ulo mo lang ang pinapairal mo. 'Yan, baka mas kailangan mo—" inabot ko sakanya ang maliit na piraso ng papel.

"Lhaine Lee Ramos? Ikaw ang nakabunot sakanya para sa practicals?"

"Huli na 'to. Sa susunod, hindi na kita pagbibigyan. Babawiin ko siya mula sa'yo sa oras na sinaktan mo siya. Binabago niya ang sarili niya para sa'yo. Wala man akong karapatan pero ayaw ko sa pagbabagong iyon. Ikaw? Anong ginawa mo para sa kanya? Ah, may assignment by seatmates pala. Tignan mo nalang sa notebook ni Lhaine."

Umalis na ako bago pa ako madala at baka may masabi pa akong iba. Totoo nga yatang sobrang bait ko, tsk. Paglabas ko ng village nila ay nakita ko si Yaj sa may bus stop. Nakaupo lang ito roon at halatang nanginginig.

"Yaj Serano, umuwi na tayo," tinanggal ko ang jacket ko at pinatong iyon sa balikat niya.

"You're here too! Hinihintay ko si Rai. I told him I'd wait here," nakangiting sagot niya. Dalawa lang 'yan eh: baliw na siya o di kaya ay hanggang ngayon in denial parin.

"Hindi na 'yun darating. Move on."

"You're supposed to be my brother. Anong gayuma ba mayroon si Lhaine? This is so frustrating."

"I warned you from the start. What you did earlier was disappointing."

"Alam mo bang nandoon kami sa café? If yes then you deliberately brought Lhaine there for her to see us. Hindi ba't parehas lang tayo?"

"Dinala ko siya doon dahil concerned ako sakanya at hindi para saktan siya gaya ng ginawa mo. That was really low," inilapag ko rin ang payong na hawak ko sa tabi niya.

"But I fought hard, didn't I? Masyado ka kasing martyr. Kung nagtulungan siguro tayo ay parehas na nating nakuha ang mga gusto natin. Lhaine could've fallen for you."

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon