Lhaine Lee Ramos - POV
Pagkarating namin sa bahay, diretso si Ryan Lee sa kuwarto niya at sinabing siya nalang daw mag-isa ang mag-aaral. Hinayaan ko nalang siya at hindi na nagtanong. Hindi ko nga lang maiwasang mag-alala dahil may mga bagay pa kaming hindi na-aaral ng husto. Nagpahinga lang ako saglit saka nag-simula narin sa pagre-review. Nakailang lipat na nga lang ako ng mga pahina pero hindi talaga ako mapakali. Sigurado akong iyong babaeng kasama ni Brix kanina ang mga nasa litrato sa kuwarto ni Lee. Ah teka, bakit parang nanghihinayang ako? Masyado yata akong nadala sa kabaitan ni Brix. Tinampal ko kaunti ang pisngi ko para naman magising.
"Where's Ryan? Aren't you supposed to be studying together?" umupo si Tita sa tapat ko. May hawak siyang ilang photo albums.
"Ah, mukhang masama po ang pakiramdam kaya siya na lang daw mag-isa ang mag-aaral," rason ko.
"Is that so? Okay, I'll check him out later. By the way, here are some of your parents' pictures."
"Tita, thank you," binuklat ko ang mga album. Kamukha ko nga sila.
"After your exams, sasamahan ka namin sa bahay ninyo. That became their resting place," tuloy ni Tita. Napuno ng ngiti ang mukha ko. Nagkuwento pa kaunti si Tita bago umakyat para puntahan si Lee. Gumaan ang loob ko sa mga picture at namo-motivate nanaman ako. Iigihan ko talaga sa exams!
Unti-unti akong nagising dahil sa tubig na pumatak sa mukha ko. Panaginip? Umuulan sa loob ng bahay? "Wake up. Male-late na tayo," minulat ko ng husto ang mga mata ko. Nakatulog pala ako sa study table at si Ryan Lee ang nang-gising sa akin.
"What was that?" kinapa ko ang parte ng mukha kong nabasa.
"Laway ko. Get up now."
"Ano?! Kadiri ka!" I stood up, nakita ko ang baso ng tubig na hawak niya. Ugh! Tumakbo nalang ako paakyat sa kuwarto ko para mag-ayos na rin. Pagkababa ko pagkatapos ng ilang minuto ay naghihintay na siya sa may garahe.
"Nag-aral ka ba kagabi?" I was expecting him to shout or complain but he just shut up. Kahit na sa buong biyahe papunta ng school, hindi siya nag-salita at diretso lang ang tingin sa daan. Sobrang aga pala naming pumasok.
"Mauna ka na sa taas, pupunta muna ako ng gym."
"May practice pa kayo? Exam na ah."
"Eh ano sa'yo kung meron nga?"
"Fine, fine. As if gusto rin kitang makasabay papuntang classroom," iniawan ko na siya doon bago pa niya sirain ng tuluyan ang umaga ko. Pag-akyat ko ay nakasalubong ko rin sina Czar at Brie na papasok sa main gate.
"Morning Lhaine, pinag-uusapan ka lang namin ah. Bakit hindi ka na nakikisabay sa amin ng hapon?" bungad ni Czar. Inakbayan nila akong dalawa habang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...