Chapter 49

25.7K 316 30
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

Beep. Beep. Beep. There goes that rhythmic sound again. Binuksan ko ang mabibigat na mga mata ko. Si Zenrid ang unang nakita ko sa tapat ng kama.

"Hinimatay ka habang kausap mo si Czarina sa phone."

"Ah. Nakauwi na kaya sila?" my throat's so dry talking made me cough. Lumabas si Zenrid sa kuwarto ng walang paalam. Moments later, bumalik siya at ngayon ay kasama niya si Brie at Czar. Magang-maga ang mata nilang dalawa. Tinakbo nila akong dalawa at niyakap. Napanga-nga ako. Umiwas ng tingin si Zenrid at lumabas ulit.

"Hindi ka na ba nahihilo?" tanong ni Czar, bumitaw nga sila sa yakap ang higpit naman ng hawak nila sa magkabilang kamay ko.

"May gusto bang kainin? Basta't hindi bawal sa'yo," sunod ni Brie.

"Dehydrated lang ako kaya ako nandito. Tinawagan pa talaga kayo ni Zenrid?" I tried to stay calm.

"Lhaine, hindi si Zenrid ang nagsabi sa amin," lumungkot ang tono ni Czar.

"Na dehydrated ako?" sagot ko parin.

"Lhaine, you are sick," diretsong sabi ni Brie. Bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok ang tatlong doktor.

"Can they listen?" tanong ni Dr. Gomez. Tumango ako. Hawak-hawak parin nina Brie at Czar ang kamay ko. Nilabas ni doc ang laman ng envelope na hawak niya at nagsimula sa pagpaliwanag sa sitwasyon ko.

"After a deliberate discussion with the team, the treamtment we want to suggest is a resection surgery. We considered the location of your astrocytomas..." the doctors went on and explained everything on the simpliest way possible. Puwede namang i-short cut eh: bubuksan nila ang ulo ko at kakalikutin.

"It's a delicate procedure but we have the best neuro and sugrical team to handle this. If you have a decision, please tell the nurse," pagtatapos nila.

"Nandito lang kami para samahan ka," Brie looked sadder than earlier.

"Hindi man lang namin napansin na ganito pala kabigat ang sitwasyon. Pinadaan lang namin at inisip na dahil kay Ryan kaya nagkakaganoon. The mood changes, the frequent headaches...We're terrible friends..." Czar teared up.

"May chance na hindi ako magising sa operasyon kaya sana maintindihan niyo kung bakit ayaw kong ipa-alam sa kahit na sino. Lalong-lalo na si Lee, I want him to leave and find himself. I don't want to hold back anyone. Tignan niyo naman ako, wala na akong mailuluha."

"Bawal daw ang stress sa'yo. At this minute, wala kaming kilalang Ryan. Just our friend Lhaine," Czar gave a reassuring smile.

"Uuwi muna kami para magpalit ha? Ngayon ka lang kasi nagising since yesterday," sunod ni Brie. Medyo napatagal ang paalamanan bago sila umalis. Parang ayaw pa nga nilang bitawan ang kamay ko eh. I'm thankful but...

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon