Chapter 52

24.5K 293 49
                                    

Brix Risaralda – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Brix Risaralda – POV

Huling araw ng funeral service ngayon at bukas naman ay ikakalat ang mga abo ni Ma sa beach. "Kumain ka naman," lumapit si Yaj sa akin at sinamahan ako sa veranda.

"Later."

"Some cousins just arrived at hinahanap ka nila," inabutan niya ako ng isang muffin.

"Thanks, bababa rin ako mamaya, sis," inakbayan ko siya at kumagat sa muffin n hawak niya.

"By the way, have you heard from Lhaine? Alam niya ba?"

"I e-mailed here. That's the only contact we know."

"Okay. I asked because Rai just arrived," napaayos ako ng tayo sa sinabi niya. Naunang bumaba si Yaj at nagpaiwan muna ako. Halos dalawang taon na pala ang nakalipas nang magbago ang lahat.

Aksidente kong narinig ang usapan ni Diane, Brie at Czar dati tungkol sa sakit ni Lhaine. Desididong-desido akong pumunta dati sa New York para alamin ang kalagayan niya pero nalaman kong hindi pala siya sumunod kay Ryan.

Ni isa sa amin ay walang narinig kay Lhaine bukod sa ilang e-mails. Sinubukan ko siyang hanapin pero napunta iyon sa wala. Sumama ang loob ko sa ginawa niya pero sinubukan ko nalang iyong intindihin. Ang dami ko nga lang gustong tanungin sakanya ng personal.

"Condolence," lumantad si Ryan sa tapat ko.

"Salamat. Hindi mo naman kinailangang umuwi dito," sagot ko at nakipagkamay sakanya.

"Ah, kinailangan ko ring umuwi. Wala pa ba si Lhaine Lee?" iba niya agad ng usapan. Tumungo siya sa dulo ng veranda at nagsindi ng yosi.

"Hindi ba dapat ay kasama mo siya?" sabi ko nalang kahit na alam ko namang hindi. Isa ako, bukod kay Diane, Brie, Czar, Jakes at Zenrid ang may alam na hindi sila magkasama.

"Nagtataka nga rin ako eh. Sa pagkaka-alala ko kasi ay wala akong kasamang Lhaine na umalis dito. Unless invisible na si Lhaine ngayon at sa buong dalawang taon pala ay nasa tabi ko lang siya."

"Huh? Ang linaw kasi ng sinabi ni Lhaine sa amin na susundan ka niya. I never heard from her again."

"You're one of her bestfriend."

"Bakit mo nga ba siya hinahanap?"

"Pinapahanap ng parents ko. Legal purposes I think, tight kami eh," sarcastic na sabi nito.

"Ah ok. Wala talaga eh, kahit anong contact niya ay wala sa akin. Bababa muna ako at may mga bisita pa akong aasikasuhin," sagot ko at hada ng umalis. Pinatay niya agad ang yosi niya saka sumunod sa akin. Mukhang desidido siyang makahanap ng sagot. Wala rin lang siyang makukuha sa akin kahit itali niya ako patiwarik.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon