Chapter 27

34.4K 430 56
                                    

Ryan Lee Sanchez - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez - POV

"Ballpens down, please pass your papers individually in an orderly manner. Have a nice vacation and good luck to all teams competing this evening," anunso ng teacher naming pagka-ring ng bell. Isa-isang nagsitayuan ang mga nasa harap para magsumite ng papel nila. Nang makaalis na ang teacher naming ay nilapitan ako ni Lee.

"Iuuwi ko lahat ng libro ko," nakangiting sabi nito bago lumabas ng classrom. Nitong mga nakaraang araw ay kakaiba ang mga kinikilos niya. Minsan ay natutulala o natatahimik siya habang nag-aaral kami. Ni minsan pagkatapos ng practicals na iyon ay hindi ko nakitang nilapitan niya si Brix o vice versa. Nabalitaan din namin na nasa ospital ang Dad ni Brix at Yaj kaya naman sigurong doble ang pag-aalala ni Lee. Hindi niya siguro nilalapitan si Brix dahil sa sinabi ko na dapat ay bigyan niya muna ito ng space. Sana nga ganoon lang. Natatakot naman akong tanungin dahil baka ang isagot niya ay 'gusto ko pala si Brix'.

"Akin na 'yang mga libro mo, isasakay ko na," habol ko kay Lee.

"Salamat. May bibilhin pala muna ako sa bookstore. Magkita nalang tayo sa gym mamaya. Good luck, alam ko namang mananalo kayo eh," sagot niya at nahalata ko na pilit lang ang mga ngiting pinapakita niya ngayon sa akin.

"Take your time. Ok lang sa akin kahit hindi ka manood."

"Manonood ako. Basta, may bibilhin lang ako ha?" nagmamadaling sabi nito saka umalis agad sa harap ko. Sabi kong iwan niya 'yung susi niya eh. Tsk. Tumungo nalang ako sa gym para puntahan ang team. May isang oras pa bago ang laro namin at buti nalang ay dito sa scool iyon gaganapin. Hindi na nagpractice ang team imbes ay strategizing nalang ang pinag-usapan namin.

Punong-puno ang mga bleachers at hindi ko makita si Lee. Nag-text naman siyang nandito na siya pero nahiwalay lang daw ng upuan kina Brie. Pabilog na naipon ang team, isang minuto nalang ay magsisimula na ang laro.

"Good luck," bigla nalang dumating si Brix at sumama sa bilog namin.

"Para kay Captain!" sigaw ni Thom imbes na 'Go Thunders'.

"Para kay Brix Risaralda!" sigaw ko narin. Umiiling si Brix habang tumatawa. Isa pa 'tong si Brix. Hindi siya sumasama sa kahit na sino sa mga dapat na madalas na kasama niya gaya nina Thom at Ray. Imbes ay puro mga babaeng classmates o schoolmates namin ang sinasabayan niya sa break o uwian.

Pumito ang referee bilang hudyat na magsisimula na ang laro. Pumunta ako, kasama ang apat sa starting five, sa gitna. Malakas ang naging cheer mula sa bleachers. Sa isang dulo ng gym naman ay ang 'official cheerleading' team ng school. First quarter palang ay napapagod na kaming lahat. Malayo yatang mas mataas ang stamina nila.

"May napansin ako," lapit agad ni Brix sa akin nang magsimula ang halftime.

"Kulang kami sa stamina," sabi ko agad.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon