Lhaine Lee Ramos - POV
Five thirty ng umaga ang call time para sa self-awareness retreat namin. Hindi ako nakatulog agad kagabi, hindi kasi mawala sa isip ko ang kahihiyan na ginawa ko sa CR. Kahit anong isip ko pa na normal naman sa tao ang tumatae! Kasalanan iyon ng expired na gatas! Kailangan ko na ngang mag-grocery.
A year ago, ng mamatay si Nana, mag-isa nalang akong nakatira sa bungalow namin. Hindi ako lumaki sa syudad. Nang ma-diagnose si Nana ng cancer, lumipat kami rito at dito narin ako nagpatuloy ng pag-aaral. As far as I know, wala na kaming ibang relatives. My life's a drama but I decided to be strong and suck it all up. After all, I need to live, right?
"Bakit ganyan mata mo? Umiyak ka nanaman ba kagabi?" Sumabay sa akin si Brie na kararating rin pala. Kaming tatlo nina Czar ang laging magkasama.
"Ah hindi, may tinapos kasi akong libro," rason ko. Sabay kaming naglakad hanggang sa marating namin si Czar.
"Morning. Anong tinititigan mo diyan?" tanong agad ni Brie kay Czar. Napatingin kami ni Brie sa tinuro ni Czar.
"Look at Diane, nakadikit kay Ryan Lee. She's fast," ani Czar.
"Akala ko ba sila ni Brix?" tanong naman ni Brie.
"Ang aga-aga para sa tsismisan. Tabi-tabi tayo sa bus ha?" iba ko ng usapan. Hinarap nila ako.
"Iyan nga din sana ang balak ko kaso kakasabi kanina na sila raw ang maghahati at mag-aasign ng seating arrangement. Ang korni, 'di ba?" sagot ni Czar. Siyempre, nalungkot naman ako. Bukod kasi sa kanilang dalawa ay wala naman talaga akong ka-close na as in sa mga classmates namin.
"Don't worry Lhaine, ilang oras lang naman. Survive, please?" mapang-asar na sabi ni Brie. Tumawa naman si Czar.
"Kung si Brix o Ryan Lee ang magiging katabi ko, magpapa-party ako!" sabi ni Czar. Naghigh-five sila ni Brie.
"It hurts, mas pinili niyo pa sila kaysa sa akin," madramang sabi ko naman pero tumawa narin. Maya't maya ay tinipon na kami ng mga teachers namin. Isa-isa silang nagtawag ng pangalan at ang designated na bus numbers nila. Natawag na ang pangalan ni Brie at Czar, magkasama sila sa iisang bus. Hindi parin natatawag ang akin eh pakonti na ng pakonti ang estyudante. Kahit nga si Ryan Lee, natawag na.
"May stop overs ba?" biglang nagsalita si Diane na nasa tabi ko lang. Tinuro ko ang sarili ko, malay ko ba kung ako ang kinakausap. Tumaas ang isang kilay niya.
"Of course you. Sa'yo lang naman ako nakatingin, right? Mukha ba akong duling?" iritadong sabi niya. Sa tabi ni Diane ay ang dalawang lagi rin niyang kasama, si Erika at Kath. Ngayong year ko palang sila naging classmates, kilala nga lang kasi sila dahil mga cheerleading team members sila at bukod doon, magaganda at mayayaman.
"You want to join us?" Ikinawit ni Kath ang kamay niya sa braso ko.
"No way Kath, ang baduy niya kaya," hinila pa ni Erika si Kath palayo sa akin. Buti nalang at natawag na ang mga pangalan nila kaya umalis na sila. Kulang sampu nalang kami ng matawag ang pangalan ko, ang panghuli sa bus na sinakyan pa nina Diane at Ryan ang assigned sa akin. Kung minamalas nga naman.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...